February's POV
Unti unti kong dinilat mga mata ko, Kinapa ko yung kabilang side ng kama ko habang papikit pikit pa ako. Nasan na si yixing? Napaupo ako at napasandal sa head board ng kama.
Napahawak ako sa kumot at tinakip sa katawan kong hubad. Napangiti ako habang inaalala ang nangyari samin kagabe.
Maya maya ay bumukas ang pinto, napalingon ako dito. Niluwa nito ang isang napakagwapong lalaki dala dala ang breakfast in tray, ngumiti ako sakanya at ganun din sya sakin "Good morning gorgeous." bati nya at pinatong ang hawak nya sa kama.
"Good morning babe." Bati ko naman sabay halik nya saakin.
"Tara! Let's eat breakfast" sabi niya. Habang kumakain kami ng breakfast nag kukwentuhan lang kami at may bahagya ng pag tawa.
Gustong gusto ko talagang tinititigan ang mga mata niya habang nakikita ang imahe ko doon sa kanyang mga mata. Kinikilig tuloy ako, kasi kung tignan niya ako parang tinutunaw niya ako at parang ako lang ang maganda sa paningin niya.
Kaso out of nowhere bigla nag flash sa utak ko ang mukha ng bestfriend ko na si char, bigla nawala ang ngiti sa labi ko pati ang kilig na nararamdaman ko.
Ako ang kabit, pero nasa akin siya minsan? Napapaisip ako na tama ba ang ginagawa ko? Naguguilty ako sa tuwing nginingitian ako ni char at wala siyang alam sa mga nangyayare pero di ko din pwede iwan si yixing dahil mahal ko siya.
Ang mali ko lang ang mahalin siya ng sobra pati sarili ko binigay ko na din sakanya.
Pero naniniwala ako sa pangako niya. Ang pangako na pinanghahawakan ko, pangako na dahilan ng pagkapit ko sakanya kahit may isa pang nakakapit dito.. Ang bestfriend ko.
"Babe?" Sa pagtawag niya saakin nun bumalik ako sa realidad. Napalingon naman ako sakanya. "Mukhang ang lalim kasi ng iniisip mo? May nagbobother ba sa isip mo?" Dagdag niya.
"Naalala ko kasi si char eh" sagot ko. Bigla niyang binatawan yung kinakain niya at hinawakan ako sa mag kabilang pisngi.
"Babe, you know how much I love you, Sabi nga nila Right person in a wrong time. At ikaw yun. Since the first day we met , there's something that I attracted to you na wala kay Char. Don't worry, I'll do everything to make our mistake to be correct" sabay halik niya sa noo ko at yakap saakin ng mahigpit.
"I love you yixing"
"I love you more Feb, and I will love you til the end no matter what" sa sinabi niyang yun napatulo ang luha ko hindi dahil sa lungkot dahil yun sa tuwa.
Don't worry, I'll do everything to make our mistake to be correct.. Sana nga Yixing.. Sana nga.

YOU ARE READING
Same Mistake
Fiksi PenggemarEXO SERIES #12 [Zhang Yixing FF] "Our same mistake is loving each other." STATUS: C O M P L E T E D