Chapter 5

275 16 3
                                    

February's POV

Itong umaga na to nag paalam na saakin si yixing na uuwi na daw siya sa condo niya at marami pa daw siyang aayusin sa opisina niya at kasama na din si Charlotte sa mga plano niya ngayon araw. Boyfriend duties daw, Syempre kahit papaano nag seselos ako pero dapat alam ko kung saan ako lulugar dahil kabit lang ako.

Well, on the road na din ako, driving papunta sa trabaho ko. Personal Secretary ako sa isang kompanya at matagal tagal din ako pinag day off ng boss ko dahil gusto niya din magpahinga.

Kaya nung tumawag siya saakin kagabi, agad agad akongnnag asikaso ng mga gamit ko. Dahil nga matagal si Yixing na nag stay sa bahay siya lang halos inasikaso ko hindi ko na naasikaso yung mga tungkol saakin.

Syempre, minsan lang siya saakin kaya tutok talaga ako. Chineck ko yung relo ko at tama lang ako sa oras. Pag kapark ng sasakyan ko ay bumama na agad ako at pumasok na ng building. Binati ako ni kuya guard kaya binati ko din siya.

Sumakay ako ng elevator, nang nakarating na ako sa floor kung nasaan ang station ko or let say sa desk ko ay bigla akong tinawag ng kasama ko.

"Bakit?" Ayan nalang nasagot ko.

"Kanina ka pa hinahanap ni Sir, beastmode nga eh nakakatakot, Feb" naghahalong emosyon ang nasa tono ng pananalita nya kaya agad akong kinabahan

"Ah sige papunta na." napatingin ako sa relo ko, hindi naman ako late anong problema ni Sir ? Baka mali yung napadala kong files. Shit! Kaya nag mamadali akong pumunta sa office niya.

Pag dating ko sa tapat ng pinto ay hingal na hingal ako, huminga muna ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Kumatok ako ng tatlong beses, narinig ko naman na pinapasok niya ako. Pag pasok ko marahan kong sinarado ang pinto.

"FINALLY! Dumating ka na din! kanina pa kita hinahanap!" nagulat ako sa bigla niyang pag sasalita.

"I'm sorry Sir, Mali po ba yung files na naibigay ko sainyo? Papalitan ko nalang po." sagot ko

"No, wala kang ginawang kahit anong mali." sagot nya, nakakapagtaka lang ah?

Nakatingin ako sakanya habang nakasalubong ang aking kilay, nakaupo siya na loussey at nakapatong yung dalawang paa sa mesa niya kasabay ng pag hawak niya ng lapis at tinatapik tapik sa kamay niya. Tinitignan niya din ako napakaawkward ng feeling ano bang nangyayare?

"Ikot ka nga ng dahan dahan." kahit Ang weird umikot ako. Pag harap ko nasa harapan ko na si Sir agad akong napalunok ng laway at inikutan niya din ako habang hinuhugahan sabay tapat ng mukha ko sa mukha niya.

"Tama talaga ako , You're the one" sabi ni sir at bumalik sa upuan niya at tinignan ulit ako.

"Anong you're the one sir?" Pagtatakang tanong ko.

"You're the perfect one to be my fake girlfriend."

Are you kidding me Sir? Haha, fuck you. Gusto ko sana yang sabihin kaso naalala ko boss ko pala sya.

"Ano po?"

"Are you deaf? I said you should be my fake girlfriend. Let say I make a promise to my bestfriend na ipapakilala ko sakanya ang girlfriend ko. Kinukulit ako mag blind date eh, wala naman akong girlfriend so I decided to find my perfect fake girlfriend. Sa daming  babaeng gustong maging fake girlfriend ko wala akong na tipuhan. At ikaw lang ang last chance ko kasi ikaw ang perfect na maging fake girlfriend ko" explain niya.

"Edi sila nalang Sir, tungaw naman nito." Bulong ko

"What did you say?"

"Are you deaf Sir? Ang sabi ko po--"

"Do I asking for your opinion? Like it or not you will be my fake girlfriend. I'll make your salary triple."

"Hindi parin po sir"

"Tatanggalin nalang kita sa trabaho ngayon din, away mo pumayag ah. "

"Sige Sir!" Matapang kong sabi

"Hmm?" Tinaasan nya ko ng kilay

"Sige Sir, payag na po ko maging fake girlfriend chuchu nyo. Hihihi." Napakamot ako sa ulo ko

kahit mayare ako kay Yixing wag lang ako mawalan ng trabaho eh.

"Sige, I'll call you for the details of our double date. Thank you."

"No problem Sir Mave babalik na po ako sa station ko or is there anything else you want sir?"

"Im all good, thank you"

Nagpaalam ako kay Sir at unti unting lumabas ng office niya napaupo ako sa sahig. Paano ko eexplain to kay Yixing? Well di naman niya malalaman diba? Oo tama di nga malalaman.

Ugh, sana talaga di nya malaman. Wag nyo sabihin huh?!

Same MistakeWhere stories live. Discover now