Chapter 1

940 30 13
                                    

Febuary's POV

Nagising ako sa liwanag na galing sa labas ng bintana ko. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata at unti unti binaba ang aking mga paa pababa ng aking kama, Papikit pikit pa ako. Unti unti kong inalis ang kumot sa katawan ko at tumayo na, sabay lakad papunta saaking bintana at binuksan ang mga kurtina.

Nasilaw ako kaya hinarang ko ang isang kamay ko para makita ang magandang tanawin dito saaking condo. Humikab din ako ng bahagya at nag unat unat. Sabay sabi ng "Good Morning" saaking sarili.

Naglakad ako papuntang side table ko at nakita ko ang litrato namin ng gwapo kong boyfriend at napangiti naman ako. Kinuha ko ang phone ko at lumabas na sa kwarto.

Chineck ko lang ang phone ko ng may message akong nakita. Galing sa bestfriend ko na si Charlotte. Ipapakilala niya na saakin finally yung fiancee niya na sobrang tagal niya ng binibida saakin.

Sumagot naman ako na sige we'll see yah later.

Sa umagang ito hindi niya na naman ako binigo pangitiin may mahaba at sweet message na naman siya saakin.

Pero naiisip ko, na minsan sobrang mali na ang ginagawa ko dahil ako ay isang Third Party. Kabit kung baga? hindi niya tinago saakin yun.

Sabi niya sakin, dahil mahal niya ako hindi siya mag sisinungaling saaki at hindi niya daw mahal ang fiancee niya dahil pinagkasundo lang sila at iykn na din daw ang tradisyon ng pamilya nila.

Kaya kaming dalawa ay medyo nag iingat din. Pero mas nag aalala siya saakin dahil baka ako daw ang punteryahin ng fiancee niya kapag nalaman ang relasyon namin pero wag naman sana.

~~~

Nakarating ako ng cafe na pagod na pagod dahil nahirapan akong mag park dahil puno ang parking lot. Nakita ko naman agad si Charlotte na kasalukuyang kukumakaway saakin kaya kumaway din ako ng nakatingin. Habang naglalakad ako palapit sa bestfriend ko ay napansin ko ang isang nakatalikod na lalaki sa tabi nya, hindi ko makita ang mukha nito dahil ito nga ay nakatalikod. Bobo lang? HAHA.

Agad akong lumapit sakanya, Nag beso kami at niyakap ko siya. Sa pagkabitaw namin ng yakap ay nag salita ako "Sorry I'm late"

"Sus! Ano ka ba sanay na ako sayo no? at di ka late you're right on time, By the way papakilala na kita sa fiancee ko." Nakatayo pa din kami. Humarap naman ako sa fiancee niya at nanglaki mga mata ko at napalunok.

Nilahad niya ang kamay niya kaya napatingin ako dito. "Hi, I'm his fiancee Zhang Yixing but you can call me Lay." nginitian nya ako kaya agad na lumitaw ang dimples nya.

Nagpapanic ako shet, Kinuha ka naman ito agad at napalunok ulit. "Ah? ahm? Febuary Charlotte's bestfriend" pilit na ngiti ko na agad ko namang binitawan ang kamay nya. Pero ayaw niya bitawan ang kamay ko kaya napahila ako ng todo.

"Finally, we met." sabi ni Lay habang paupo kami. "Marami akong naririnig na good stories galing kay Char about sayo Feb." Ngumiti sya ulit at tumingin kay Char at inakbayan ito

Nung ginawa niya yun ay may kumirot sa dibdib ko, nag iinit ang gilid ng mga mata ko, wag kang iiyak Feb mag hunos dili ka, sa sobrang shock ko ay di ko na alam gagawin ko.

Hinawakan ni charlotte ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Yung boyfriend mo naman pakilala mo naman saakin next time para makapag double date tayo." ngiti niya saakin.

Tinignan ko ang fiancee niya sabay sagot ng " Sure." At muling tingin kay charlotte habang nakangiti

Matagal tagal din kaming nag kukwentuhan dito habang nag chichill. Hindi ako makapag pigil kaya nag excuse na ako para pumunta ng wash room.

Pagkarating ko ng wash room pumasok agad ako ng cubicle at agad na sinarado pinto. Mabilis na bumagsak ang mga luha ko, napaupo ako sa bowl habang tahimik akong umiiyak.

Ginusto ko to eh ang maging kabit pero bakit sa dami daming babae sa mundo bestfriend ko pa ang fiancee niya bakit?! Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Zhang Yixing, Mali to. Maling mali.

Same MistakeWhere stories live. Discover now