Chapter 10

314 21 23
                                    

Mave's POV

Dahil sa tawag niya napapunta ako ng di oras sa isang night club. Nung nakita ko siya sa may stools ay agad ko siyang tinabihan at kinuha ang shot glass na dapat iinumin niya na.

"Tama na yan lasing ka na." sabi ko habang binababa ang shot glass.

"Hinde pa ako lashing no?" Sinasabi nya yan habang dinuduro ako at pinipilit na idilat ang mapupungay nyang mga mata.

"Ano bang problema?" Tanong ko sakanya.

"Problema? Hahaha! Yung fiancee ko lang naman inagaw at inahas ng bestfriend kong si Feb, Yung Fake girlfriend mo. Hehehe! Galing no? Mas mahal niya pa kabit niya kaysa sa fiancee niya bat ganun? Tangina napaglaruan ako ng tadhana ah? Lahat ng gushto ko nakukuha ko.. Pero si Yixing hindi! Tangina naman!" Papikit pikit niyang sabi at tuluyan ng umiyak, niyakap ko siya ng mahigpit.

Yung taong pinapahalagahan ko, prinsesa pa nga turing ko ginagago lang ng taong mahal niya.

Ang sarap bugbugin ni Lay at sabihin na. Hoy, yung babaeng sinaktan mo mahal na mahal ko. Hinayaan ko syang mapunta sayo kasi alam kong sayo sya liligaya pero anong ginawa mo? Sinaktan mo sya! Tangina naman.

Isa pa tong si Feb e, alam nya namang magulo di pa nilayuan, pero kung sabagay? Sabi nga ni Charlotte mas mahal ni Lay si Feb. Kung ako din naman nasa posisyon ni Feb, kung alam kong mahal ako ng taong mahal ko kahit gaano pa kamali yun di ko sya iiwan.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang babaeng nasa tabi ko at mahimbing na natutulog.. Napansin ko na may tumulong luha sa mga mata nya, mukhang umiiyak parin sya pati sa pagtulog nya.

Kawawa naman tong kaibigan ko. Kung ako nalang sana ang sinubukan niyang mahalin edi sana hindi siya nasasaktan ng ganito.

Dahil ayaw niya pang magpauwi sa condo niya ay inuwi ko nalang siya sa condo ko. Ang tanging lumalabas lang sa bunganga nya ay pangalan ni Lay, nakakasawa mang pakinggan at nakakaselos pero wala akong karapatan kasi wala namang kami.

Hindi nga siya mahal ng mahal niya eh, bat sya parin yung nasaisip nya e ako tong kasama nya.

Inihiga ko sya sa kama ko ata kinumutan, aalis na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Hon? Dito ka lang sa tabi ko." May luha pa itong kasama kaya tinabihan ko nalang siya.

Nung mahiga na ako sa tabi niya ay bigla nalamang syang pumaibabaw sakin at hinalikan ako ng mapupusok na halik. "Masarap din naman ako diba hon? Pag katapos neto makakalimutan mo na yung Feb na yun." at unti unti niya na ako hinuhubaran.

Alam kong di tama ang gagawin ko pero di ko mapigilan eh. Mahal ko siya, mahal na mahal.

Natapos ang gabi na to that we make out.

End of Mave's POV

February's POV

*weeks passed*

Dahil makikipag peace or let's say makikipag ayos na daw si Charlotte sakin kaya kasalukuyan akong nakaupo dito sa isang cafe malapit samin at hinihintay sya.

Maya maya lang ay dumating na sya, nagulat ako ng ngitian nya ako habanh umuupo sa tapat ko. Weird parang nung nakaraan lang pinagsasabunutan nya ako at pinagmumura.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Charlotte kamay ko.
"Feb, I'm sorry for what happen, nadala lang ako ng emosyon ko, aware ka naman na di pa natatanggal fixed marriage namin diba?"

"Oo, pero sasabihin na din ni yixing na nabuntis niya ako para daw itigil na ang pagpapakasal nyo." Sa sinabi kong yun ay bahagya syang napasimangot ngunit napalitan ito ng kakaibang ngiti.

"Hindi maari yun, dahil buntis din ako at si Yixing ang ama here's the proof" Pinakita niya ang result ng pag bubuntis niya. Nanglaki mata ko kasabay ang pagtulo ng luha ko, ganto siguro talaga ang buntis masyadong emosyonal.

"Feb, please this is selfish pero ibigay mo nasaakin si Yixing kailangan ko siya at chinese sa chinese lang ang gusto ng parents nya tingin mo ba matatanggap ka nila? Mas lalo na buntis ako wala kang laban sakin ngayon kaya makipaghiwalay ka na sakanya." Nginitian nya ako.

"Hindi.. Hindi maari.. Sabi nya sakin ko ang mahal nya." Naguguluhan kong sabi nya

"Siguro nga mahal ka nya pero sa tingin mo ba mabubuntis ako kung di nya ko mahal? Feb.. Chinese to Chinese lang, kahit sabihin pa nating nabuntis ka nya, buntis din ako.

Napakuyom ako ng kamay ko. Di ko alam kung anong gagawin ko.. Bat nya nagawa sakin yun? Pinanghawakan ko yung pangako nya e.

Umiling iling ako habang umiiyak samantalang si Char ay nakangiti lang.. Ngiting demonyo.

"Charlotte? February?" Boses mula sa likod ko kaya napalingon ako, nakita ko ang lalaking mahal ko at tatay ng batang dinadala ko.. Pati ni Charlotte.

"Babe? Bat ka umiiyak. Anong ginawa mo sakanya Char? Makakasama yan sa--" Gusto ko syang sampalin pero di ko magawa kaya dali dali ako tumayo at lumabas ng cafe. Ayoko ng marinig ang mga sasabihin nya.

"Feb! Wait!" Hinila nya ang kamay ko at iniharap sakanya

"Anong problema?!" Tanong nya

"Ikaw.. Hayop ka." Umiiyam kong sabi

"An..anong--"

"Stop acting like you don't know it Lay! Alam kong alam mo dahil ikaw ang gumawa nun, kayo ang gumawa nun Lay!"

"Di ko alam ang--"

"Fuck! Lay! Pinagkatiwalaan kita! Pinanghawakan ko yung mga pangako mo na ako lang! Sinabi mo na gusto mong magkaanak tayo para matigil ang fixed marriage nyo pero anong ginawa mo?! Inanakan mo rin sya! Inanakan mo din yung bestfriend ko!" Sinuntok ko ang dibdib nya ng sobrang hina.. Wala na kong lakas.

"Sinong nang sabi si Charlotte?! Huh, naniwala ka naman sakanya? Feb ano---"

"Lay stop the fuck off. She have the proof Lay!" Tinalikuran ko na sya at pinunasan ang luha ko

"Let's end this shit. Kung tungkol sa anak natin hindi ko sya ipapalaglag, bubuhayin ko sya.. Nang mag isa at maayos."

"No we're not over. You know how much I love you Feb. Pagusapan natin to, wag kang pabigla bigla." Muli nya akong hinarap sakanya

"Una palang! Our same mistake is loving each other, for the sake of your baby let's make our same mistake right."

"NO!!! Hindi ko mahal si charlotte please dont leave me." sabi niya.

"Kung hindi mo sya mahal hindi mo sana sya nabuntis Lay."  Hinawakan nya ang kamay ko

"Please, I love you.. I really do Feb."

"Kung talagang mahal moko.. You'll leave me.. Alone." Bigla niya akong binitawan kasabay nun ang pagtulo ng luha nya.

"Feb.. Please." Napaangat ang tingin ko sa langit na nagbabagsak ng malalamig na tubig.. Bat laging ganun? Kapag drama ang scene or nagiiyakan pati ang langit iiyak din.

"I love you Lay but this is too much. Nasaktan na natin si Char, I think this is the time for us to make our mistakes correct. Ayokong pati ang mga anak namin ay madamay sa kasalanang ginawa natin dahil sa mga pangakong sinabi mo." Nagulat ako ng bigla syang lumuhod sa harap ko

"Please, tell you are just joking. Please Babe lets make thing right. I.can't live without you, papatunayan kong hindi ako ang ama ng dinadala ni Char." Kasabay nun ang paghagulgol nya

"I want to have a happy family with you babe.. Only you."

"Okay. Hanapin moko kung napatunayan mong hindi ikaw ang ama ng batang dinadala nya... For now on lalayo muna kami." Dahil ayoko na syang makitang nagkakaganun ay tumalikod na ko at naglakad palayo sakanya habang sinasabi any mga katagang ayaw kong sabihin pero kailangan.

"Goodbye.. Zhang Yixing. Thankyou for giving me happy memories my angel. I love you but our same mistake for loving each other should end now."

Same MistakeWhere stories live. Discover now