Chapter 9

271 16 3
                                    

Charlotte's POV

Sa 3 days kaming nag stay dito, gustong gusto ko na talaga umuwi and this is finally the day.

Hindi ako mapakali dahil gusto ko na makita yung kabit nitong magaling na lalaking to. Kaya pala hindi ako masabihan ng I love you dahil ang sinasabihan nya ay iba? Ano ako passed time lang, parausan niya?

Malaman ko lang kung sino babae niya makakalbo ko talaga at lahat may latay hindi ako mag titira. Kahit sino man sya..

Pagdating namin ng condo walang nag sasalita saamin.

"I'll go outside muna." paalam niya.

"Ayaw mo muna mag rest? " tanong ko.

"No need, this is important malalate na ako." sabi niya na nag mamadali. Important mo mukha mo mukhang kikitain mo lang babae mo eh.

Pag labas niya ng pinto sinundan ko lang siya ng tingin at humanap ako ng tyempo nung nakapasok na siya ng elevator tuluyan na ako lumabas ng pinto.

Susundan ko siya para malaman kung sinong babae niya! Pag alis ng sasakyan niya agad ako pumara ng taxi at pinaaundan ito.

Pumarada lang siya sa isang resto, at punasok sa loob. Matagal din siya nasa loob maya maya lumabas siya kasama mga bussiness partners niya.

Asan ang babae mo? Punyemas. Sumakay ulit siya ng kotse niya at umandar na ito. Katulad ng una pinasundan ko din kay kuya driver si yixing.

At finally may hinintuan siyang condo, kaya agad ko tong sinundan. Medyo mahigpit ang security pero dirediretso pa din ako at buti naman di ako hinarang.

Dahil siya lang naman ang pumasok sa elevator makikita ko naman kung saan siya hihinto at sa 8th floor ito.

Pagkabalik ng elevator sumakay agad ako dito at pinindot ang 8 button. Pag dating ko ng 8th floor ay inikot ko ang tingin ko, saan kaya dito unit ng babae niya.

May isang unit na bumukas ang pinto at saktong si Yixing ang nandun may kasama itong babaeng nakatalikod, sobrang sweet nila sa isat isa.. Na kailanman di nya ginawa sakin.

Yung ngiti at yung mga mata niyang nakatingin sa babae na parang sinasabi nito na mahal na mahal nya ito at sobrang ganda nya, mga tingin na kailanman di nya nagawa sakin.

Dahil sa inis ay napatakbo ako papunta sakanila at agad na sinunggaban ang buhok ng babae para sabunutan. Bakas sa mukha ni Yixing ang pagkagulat

"Charlotte anong ginagawa mo dito?!" Tanong nya

"WALANG HIYA KANG KABIT KA!!" Narinig kong umaray yung babae at si Yixing naman ay agad na umaawat, hinarap ko yung babae saakin at nagulat ako sa nakita ko

"Feb?" Napabitaw ako bigla. "Bakit.. Ikaw pa?!" Agad na tumulo ang luha ko.

Dalawa mahahalagang tao ang nagtraydor sakin..

"HOW COULD YOU! NAGING MABAIT NAMAN AKO SAINYO PERO BAKIT NYO TO NAGAWA SAKIN?!" Muli ko syang sinabunutan na parang tatanggaling ko na yung buhok niya.

"ANO BA! CHARLOTTE! STOP!" Tinulak ako ni yixing ng malakas sa sobrang lakas nito ay na paupo ako sa sahig.

Nag iinit ako sa galit, nakita ko na inaayos ni Yixing ang buhok ni Feb sabay yakap dito habang umiiyak. Naririnig ko din yung tanong niyang "Are you okay Babe?" Habang pinapatahan niya si Feb sabay halik sa ulo nito.

Ako di niya man lang ba tatanungin ng ganun? Ganyan nya ba kamahal ang kabit nya kaysa sa fiancee niya?!

Tumulo ang luha ko kasabay ng paglabas ng mahihinang hikbi sa bibig ko. Tumayo ako at sinugod siya ulit pero hinarang ni Yixing ang sarili niya. "TINURING KITANG KAPATID FEB TAPOS GANITO LANG GAGAWIN MO SAAKIN! SA LAHAT NG PWEDENG MAHALIN AT KABITAN FIANCEE KO PA! ANO BA!? MAY BOYFRIEND KA NA AH!? AHAS KA!! ANO YUN?! PAG NAKATALIKOD AKO NAGLALAMPUNGAN KAYO NITONG SI YIXING?! PAANO MO NASISIKMURA YUN HUH FEB? PAANO MO NASISIKMURANG HALIKAN ANG FIANCEE NG BEST FRIEND MO?! WALA KANG KWENTA FEB!!!"

"Im sorry-- Char..lotte hindi ko sinasadya sorry." pautal utal na sabi niya dahil umiiyak siya.

"SORRY! HINDI EH! TRAYDOR KA! SINONG MAY KALULUWA ANG KAYANG GAWIN TO SA SARILI NYANG KABIGAN HUH FEB?! NAGTATABI KAYO SA KAMA NG DI MO MANLANG AKO INIISIP?! FEB.
. PINAKATIWALAAN KITA!" Patuloy pa din ako sa pag sugod pero itong si Yixing harang ng harang di ko manlamang makawakan ni isang hibla ng buhok nya. Nagulat ako ng bigla akong hinawakan ni Yixing sa mag kabilang kamay ko.

"I SAID STOP! WALA NAMANG KASALANAN SI FEB! AT WALANG SILA NI MAVE LAHAT PAG KUKUNWARE LANG NILA!" Napatingin ako kay yixing.

"WALANG KASALANAN? MAY KASALANAN SIYA! NAKIAPID SIYA SA MAY FIANCEE NA! MATAGAL NIYO NA PALA AKONG NILOLOKO PATI SI MAVE NILOLOKO AKO!" Sagot ko. Pati ba naman si Mave?! Triple kill sobrang sakit na.

"Walang kinalaman si Mave dito Char nag kataon lang talaga na ako ang napili ni Sir Mave, boss ko siya secretary niya ako at di ko alam na ikaw ang childhood bestfriend niya." Sagot ni Feb.

"LETCHE! WAG KA NG MAGPALIWANAG IKAW NA MALANDI KA EH!" Pumipiglas ako kay Yixing.

"TAMA NA NGA! CHARLOTTE! BUNTIS SI FEB! AT AKO ANG AMA KAYA TIGILAN MO SI FEB! WAG MO SIYANG MAHAWAKAN! KAPAG HINAWAKAN MO SIYA AT MAPAHAMAK ANG ANAK NAMIN. MAKIKITA MO HINAHANAP MO! HINDING HINDI KITA MAPAPATAWAD! GALAWIN MO LAHAT WAG LANG ANG MAGINA KO!!" Banta saakin ni Yixing.

"Huh, Ah? Kaya pala hindi mo ko maanak anakan? Dahil inanakan mo na itong malanding bestfriend ko? Mas mahal na mahal mo pa kabit mo kaysa saakin noh?" Napasinghot ako at tuloy tuloy na tumulo ang luha ko

"Umpisa palang Char hindi na kita mahal, alam mo naman na fixed marriage lang ang lahat." Dahil hindi na mahigpit ang pagkakahawak niya saakin nasampal ko na siya.

"Walang hiya ka talaga!" Hindi ko na alam ang gagawin ko.. Tumakbo nalamang ako palayo mula sakanila.. Umaasang hahabulin ako ni Yixing at sasabihing biro lang ang lahat.

Same MistakeWhere stories live. Discover now