Chapter 6

75 3 4
                                    

"Ok ka lang ba Karla?!"

Nakita kong nagdudugo ang daliri niya.

"Nadulas sa kamay ko yung saucer"

Bigla kong hinawakan ang kamay niya.

"Tara muna sa salas gamutin ko yan"

Kinuha ko ang gamot sa drawer na itinuro ni Karla at nilagyan ng bandage yun.

"Next time kasi mag-iingat ka"

Inirapan lang niya ako. Napatingin ako sa mata niya.

"Joke lang.. thanks Nikki"

"Pasaway ka..."

Alam kong nakatingin sa akin si Karla habang ginagamot ko ang kamay niya. Hindi ko alam ngunit biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang maalala ko ang nangyari kanina sa mall. Natigilan ako nang biglang humigpit ang hawak ng kamay niya sa akin. Unti unti akong napaangat ng tingin sa kanya.

Nagtama ang aming mga mata. Kung gaano kalakas ang kulog, kidlat, hangin at ulan sa labas ay ganun din kalakas ang dagundong ng dibdib ko. Paulit ulit nagflashback sa utak ko ang kiss na iyon ni Karla sa akin kanina, na hindi lang basta kiss.

"Nikki, thank you..."

"For what?"

"For taking care of me"

Nangiti lang ako sa kanya.

"Wala yun Karla.. anu pa't naging magkaibigan tayo?"

"Hmmm... nakakahiya man...pero.."

"Anu yun?"

"I trust you, and I treat you now as my bestfriend.."

"Oh... ano yung favor mo?"

"Pwede bang magpanggap na.... tayo?"

Natigilan ako bigla. Magpanggap?

"Bakit?"

"Para tuluyan nakong tigilan ni Andrea"

Biglang nawala ang ngiti ko sa ideyang iyon.

"Pero kung hindi pwede ok lang din.. wala na kasi akong ibang maisip",

"Nakipag-break ka na sa kanya di ba? She should respect and accept your decision. Sya ang nagloko hindi naman ikaw.."

Di ko alam pero parang kumulo agad dugo ko sa ex niya. Kahit hindi ko pa naman gano "tong kakilala.

"Oo pero kasi..."

"So, you mean... yung kanina...?"

Hindi nakasagot si Karla. Naguguluhan pa din ako.

"Ang weird lang, kung ayaw mo na then she should stop."

Tahimik lang ulit siya. Hindi ko alam bakit kelangan pa ng ganitong set up.. inaamin ko mahilig ako sa mga kalokohan pero kapag ganitong mga sitwasyon maingat ako.

"I'm sorry Nikki.."

Napatingin lang ako ng matagal sa kanya. At pagkuwan ay sobrang lalim ng aking buntunghininga.

"Ok deal, kung iyon ang way para tigilan ka na nya",

Napatingin sakin siya bigla sa akin at mas lalo pa nyang hinigpitan ang hawak niya sa kamay ko.

"Thanks Nikki!" Aniya

So magpapanggap na girlfriend ko si Karla ngayon or magpapanggap akong girlfriend niya.

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon