Chapter 0.5: Flashback

231 6 5
                                    

"Just give me something i'll miss..and give me one last kiss...goodbye."

15 minutes na lang! Gusto ko nang umuwi at magpahinga.. pagod na pagod nako sa mga ginagawa ko dito sa office! 1 month nakong walang bakasyon gawa ng big event namin next month na! haist.. nasabayan pa na sakop ko ang trabaho na 'to sinuswerte talaga. At sa wakas bukas ay makakapagpahinga na din ako.

Tumingin ulit ako sa wall clock ng office! Yes! uwian na! bigla ko nang in-off ang computer ko at nag shutdown na doon. Sabik na sabik nakong umuwi ng probinsya namin. Isang buwan nakong hindi umuuwi ng bahay dahil sa project na ginagawa ko sa office. Miss ko na ang family ko sa wakas makakauwi na din ako.

Hi, ako nga pala si Nikki, 24, 3yrs nang nagwowork as Multimedia Artist, breadwinner nga pala ako sa family ko kaya ganito ako magkwento. Masaya ako na tumutulong sa pamilya ko dahil alam ko hirap ng buhay noon. Nagpapasalamat nga ako dahil sa wakas ay naipagtapos ko din ng college ang nakababatang kapatid ko and now she's taking up her opportunities sa dream job nya. Ako naman, eto office at bahay lang.. Hindi ako mahilig sa galaan pero depende kung sinong tao ang sasamahan ko. Mailap ako sa mga tao, hindi pala kaibigan pero mahilig makipagsocialize sa internet. Malalim, tahimik at mapribado ako sa buhay, pero pagdating sa mga kaibigan, wagas ang kaingayan ko. Bully nga daw ako sabi nila, lakas ko daw kasing mang-asar lalo na pagka-close ko yung tao, mahilig din kasi akong magpatawa sa tropa namin pag napapansin kong lahat sila tahimik at seryoso.

Noon, meron akong isang kaibigan, kaibigan pero higit pa doon ang turingan namin, kahit na alam namin sa isa't isa kung anu nga ba ang meron samin ay hinayaan na lang namin basta magkaibigan kami. Simula ng makilala ko sya, naging masaya ang sobrang tahimik kong mundo, dahil sa kanya kaya ako nagkaroon confident sa sarili ko. Sobrang masaya ako nung mga araw na nakakasama ko sya sa mga galaan, inuman, makipagsigawan sa concert, fun run at kahit anung sports, kumbaga kahit saang activities na meron sya ay lagi nya akong kasama, kasi nga madalas ako una nyang inaaya. Makwela syang kasama kasi wild din mag-isip ang isang yon, medyo diko nga lang trip ang bisyo nya sa yosi dahil may allergy ako sa usok pero hinahayaan ko lang sya sa mga gusto nya. Dumadating pa nga sa point na nagkakaroon kami ng away. Hindi lang minsan pero madalas pa nga, at sa mga away na yun minsan nakakalimutan namin na magkaibigan lang kami kase may mga bagay na lumalagpas na sa linya ng relasyon namin. Inaamin ko sa sarili ko, minahal ko sya, minahal ko sya ng higit pa sa kaibigan. Hindi ako nawawala lagi sa mga oras na kailangan nya ng karamay..karamay dahil gaya ko, ilap din sya sa mga tao, pero hindi ako nagpadala sa mga sabi sabi ng iba na paninira tungkol sa kanya dahil unang una, ako ang mas nakakakilala sa kaibigan ko.

Nung panahong yon, sabi ko sa sarili ko, wala nakong hihilingin pa kundi makasama lang yung taong minahal ko ng sobra. Til one day, hindi ko na mareach ang cellphone number nya, text or tawag hindi ko na magawa, nag-aalala ko hindi ko alam kung bakit hindi ko sya macontact. Naisip ko ang facebook nya baka don makausap ko sya, nagtaka ko bakit wala na sya sa friend's list ko, sinearch ko ang name nya pero hindi nag-aappear, try kong hanapin yung mga photos na nakatag saken na magkasama kame at nakita ko ang pangalan nya, pag-open ko ng account nya nagulat ako sa lumabas, bakit ganun, "add friend"???? bakit? anung nangyari?? ang daming tanong sa isip ko ng mga panahong iyon, parang nagsimula nakong kabahan sa mga nangyayari, sinubukan ko syang imessage sana kaso nakadisable ang message nya. Kabado ako, gusto ko syang kausapin kung anung nangyari at biglang nawala ang communication namen sa isa't isa, hindi pala nawala, sya ang biglang nawala. Nagtataka ako bakit hindi sya nagsasabi sakin kung anung problema at bakit ginawa nya yun sakin, wala naman akong matandaan na nag-away kami ng matindi kundi yung sa selos lang na wala naman talagang kwentang pag-usapan. Ginawa ko ang lahat ng paraan makausap lang sya at malaman kung bakit nya ko iniwasan nang hindi ko alam ang dahilan. Kahit sa Twitter na obvious ay naka block ako sa account nya..dahil dun alam kong hindi basta basta ang dahilan nya para gawin nya sakin yun, ngayon pa kung kailan mas malalim na yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko pa man alam ang dahilan nya pero dun pa lang nararamdaman ko ng umiyak. Iyon ang unang pagkakataon na may iniyakan akong tao dahil sabi nga ng mga tropa ko, strong daw ang personality ko, at bihira daw magkaron ng taong pwedeng magpaiyak saken pero ngayon eto naramdaman ko ung feeling na iwan ng taong ni hindi mo man lang alam ang dahilan kung bakit ka nya iniwan, ni paalam nya ay wala, gusto ko syang kausapin para maging maayos ang lahat kung anuman ang dapat naming ayusin, pero naisip ko, bakit? aayusin? wala namang kame para ayusin yun, pero kahit na, magulo parin ang isip ko at halos maparanoid nako sa sitwasyong iyon. Iyak,.... iyak lang ako iyak, namiss ko sya ng sobra, iyak sa gabi, iyak sa byahe, tulala, hindi makakain, parang wala nakong kilala sa mundo kundi sya lang, nagtataka ang ibang mga kaibigan ko sa pagiging ganun ko dahil hindi naman sila sanay.

Namimiss ko rin kasi yung mga kalokohan nameng dalawa, lalo na yung tawagan namen noon "bakla"... At mas nalungkot ako nung time na magkasama kame at dun ay para kaming ibong malaya na nasasabi namen kung ano nga ba ang totoong nararamdaman naming dalawa sa isa't isa. Without saying those words, that we really love each other more than friends, basta ang alam namin, we are mutual. Magdamag kameng magkasamang natulog sa bahay ng isang kaibigan namin at alam ko sa sarili ko na masaya ako, sobrang saya, lalo na nung maramdaman kong dumampi ang labi nya sa labi ko non dahil sa inakala nyang tulog nako nung gabing yun. Ngunit lahat ng iyon ay tila isang panaginip lamang at sa isang iglap ay eto biglang umalis nang walang paalam. Naiyak na naman ako sa realidad. Hindi ko alam kung hanggang kailan titigil ang pagpatak ng luha ko sa tuwing maalala ko sya.

Hanggang sa isang araw ay nakigamit ako ng cellphone ni Mama, hindi ko sinasadyang makita sa contact list ang isang contact number niya, unti unti ay nabuhayan ako ng loob para contact-in ang number na iyon na minsan na nyang ginamit pantext sa akin. Alam kong hindi sa kanya yun pero nararamdaman ko na may makukuha akong impormasyon dito, kung sino man ang may ari ng cell number na iyon na malamang ay sa kapatid o iba pang mgakaibigan ang nagmamay ari nun. I tried to call her para malamn ko kung active pa ang number na iyon at sakto ay nagring ito. Kinabahan ako after kong magmisscall sa kanya, at pag karaan ay magtetext na sana ako pero una nang nagtext ang may aroi ng cellhone na ginamit nya.

"May I know hus dis?"- text nya sakin. Mabilis naman akong nagreply at nasabik na kausapin sya.

"Khael!!! ako 'to si Nikki!! 3 weeks nang hindi ka nagparamdam bakit nawala na ang mga contacts mo saken? bakit? anu bang nangyari sayo?!"-

Halos maiyak ako sa mga sunud sunod na mga tanong ko na iyon sa kanya, at alam na nya ang ibig kong sabihin sa ibang tanong ko pa na iyon. Nasabik akong maghintay sa sagot niya ngunit ang paghihintay kong iyon ay nauwi sa wala. Dahil pagkatapos nun, hindi na sya ulit sumagot sa mga tanong ko at ultimo ang cell no. na iyon ay naging inactive na sa linya. Hindi ko alam kung bakit nya iyon ginagawa sa akin. Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin sa mga ginagawa nyang pag-iwas?? Gusto ko lang malaman ang lahat.

Gusto kong mag-usap kami..pero, pero..paano?.. nasasaktan ako sa mga nangyayari..nasasaktan ako sa mga ginagawa nya at mas nasasaktan ako sa katotohanang iniwan nya ko ng walang pamamaalam at walang maayos na pag-uusap..bakit? bakit? anung ginawa kong masama para gawin nya sa akin to?..

Ilang linggo akong halos hindi maka-move on dahil sa pagkawala o pag-iwan nya sakin, hinahanap ko araw araw ang presence nya, mga tawag nya, pangungulit nya, pagtawa nya ng sobrang lakas na parang wala nang itatawa bukas. Habang iniisip ko yun para tuloy akong baliw na bigla na lang napapangiting mag-isa.

Dumaan ang maraming araw, linggo, buwan at taon, halos itinuon ko ang sarili ko sa dati kong gawi, ang sanayin ulit ang sarili sa pagiging mag-isa. Kumain mag-isa sa fave fastfood ko, magsulat, magbasa, manood ng movie, soundtrip, magdrawing, at gumalang mag-isa bukod sa pagsali sa mga group or clan. Kahit papaano nakakatulong yon bukod sa trabaho ay nakakalimutan ko lahat ng pasakit na naramadaman ko.

Isang araw, umaga non, tulala pako sa harap ng computer na gamit ko sa office nang biglang may ipakilala samin ang HR Head namin sa bagong empleyado ng kompanyang pinapasukan ko. Pero dahil inaantok pako nun ay wala pa rin dun ang pansin ko, matapos ipakilala samin yung bagong kaopisina namen ay tulala parin ako sa harap ng monitor na hindi man lang nagawang i-welcome yung bagong officemate namen na yun.

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon