Chapter 14

74 2 3
                                    

Nagising na naman ako ng umagang iyon na wala ulit si Karla. As usual nauna nang pumasok. And the same thing may iniwan ulit siyang nilutong breakfast for me. Bumangon ako sa pagkakahiga ngunit parang masakit pa din ang katawan ko. Napaisip ako bigla. Oo nga pala, yung nangyari kagabi. Yung ginawa sa akin ng babe ko. Napangiti lamang ako sa isiping yun. Ramdam na ramdam ko kung gano ako kamahal ni Karla ngayon. At ganun din ako sa kanya. I really love her. Sa tingin ko wala nakong mahihiling pa bcoz right now I feel so overwhelmed.

After kong maligo at kumain ay pumasok na din ako sa trabaho. While waiting for the elevator di sinasadya ay nakasabay ko na naman si Casey habang naghihintay. Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagulat din ako ng bahagya ng ngumiti din ito sa akin. Di man kaila now ko lang napansin na maganda pala itong si Casey lalo na kung lagi itong nakangiti. Maya maya ay bumukas ang pinto ng elevator ng condo na iyon at pumasok na kaming dalawa.

"Dito ka din pala nagdodorm Casey", ngiting sabi ko pagkapasok namin sa elevator na kaming dalawa lamang ang tao.

"Ah, yes po Ms. Nikki.." tipid na nakangiting sagot nito. Natahimik lang ako sa mood niya.

Habang sakay ng elevator ay narinig ko lamang ang tinig ni Casey na tila kumakanta. Napatingin ako sa kanya ngunit kumakanta pa din ito.

"You have a good voice Casey", basag ko sa katahimikan. Natigilan si Casey sa pagkanta at nakangiting tumingin sa akin.

"Thank you po, Ms. Nikki", aniya.

"Nikki na lang... di naman tayo nagkakalayo ng age di ba?"

Napangiti lang si Casey sa akin.

"And don't be too formal... wala naman tayo sa office", patuloy ko.

"Ahehe.. sige po, Nikki",

"Good!.. sabay na tayo" nakangiting sabi ko at tumango lamang si Casey bago bumukas ang elevator.

"Ahm.. Ms. Nikki..i mean Nikki... nagbilin pala sakin si Ms. Reyes na if possible today daw deadline ng materials na gagawin natin", pag-iiba ni Casey habang naglalakad kami sa labas along Ayala going to our office.

"Ok..", matipid kong sagot dahil naisip ko ang deadline, di ko pa nagagawa parang naisstress nako.

"If there's any thing you need help Nikki, please let me know po", sabi ni Casey na nakatingin pala sa akin. Napatingin ako sa kanya at isang matamis na ngiti ang ginanti niya sa akin. Sa ginawa niya ay napangiti na din ako.

--------------------------------------------

Stress. Deadline. Phone calls. At mga makukulit na katrabaho!!! Hindi ako makapgfocus kung lahat sabay sabay!

"Ms. Nikki, may pinapahanap pong specs ng machine si Mr. Kevin pinapagawan po niya ng design layout."

"Bhe, nasira kasi scanner namin baka pwedeng pa-scan nito kasi urgent ngayon na deadline ng payment"

"Nikki pinapatawag ka ni Sir may photoshoot daw sa warehouse"

"(Phone calls) Ms. Nikki ahm need po namin ng files can you give me those copy in CD pakuha ko na lang po"

Mukha na akong zombie.

"Ms. Nikki, pa-check po ng design namin for your approval." Sabi ng isang Graphic Artist na kasama ko.

"Ok sige check ko later..tapusin ko lang tong isang nilelay-out ko"

"Sige po.. lunch break na po.. labas lang po muna kami.. kayo din po lunch na din po kayo", anito.

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon