Chapter 4

99 3 3
                                    

7:00 AM nasa office na ako.

"Good morning Mam" bati sa akin lobby guard bago ako makasakay ng elevator.

"Good morning din Kuya" ngiti ko sa kanya bago ako nag-log in sa entrance gate.

"Ah, may mas maaga pa pala sakin", gulat na sabi ko sabay pindot ng elevator.

"Opo Mam may mas maaga pa po sa inyo..", nakangiting sagot ng guard.

Ngumiti lamang ako sabay pasok sa elevator.

"Ganun ba? Sige thank you Kuya", sabi ko at nagsara na ang elevator.

Grabe talagang inagahan ko dahil ayoko ulit ma-stuck sa MRT. At isa pa ngayon yung presentation para sa event proposal na gagawin namin. Kinakabahan ako dahil biglaan tong event nato. Lumabas na ako ng elevator at habang kinukuha ko yung duplicate key ng office namin at may napansin akong sticky note sa door.

"Good morning Nikki! Coffee ka muna bago work!! Good luck!!

^___^ AJA!!!

Yun yung nakalagay sa sticky note. Natigilan ako at kinuha ko yun. At nakita ko may kiss mark pa sa baba. Napataas bigla ang kilay ko doon. Pumasok na ako sa office at naupo sa swivel chair at mabilis kong dinial ang local number ng taong gumawa ng noon.

"Hello"

"Hello! Good morning din Karla!! Haha anung pakulo ito ah may pa isti-sticky note kapa dyan ah.. but anyway thank you.. yeah I need coffee now!" Natawang bungad ko sa phone.

"Haha ang bilis mo naman makagets na ako gumawa nyan!! You're so early dear!"

"Yeah I'm so early kase alam mo naman na diba?" Sabi ko nalang na umikot ang mata. Natawa lamang si Karla sa kabilang line. Konting katahimikan over the phone. Anu ba ang sasabihin ko. Medyo naguluhan ako sa sunod kong isasagot.

"Ahm, Nikki, nandyan kapa ba?" Biglang sabi ni Karla.

"Ah yes Karla I'm still here",

"Haha akala ko naman nakatulog ka na.. ok take your coffee now and.. good luck today!" Aniya.

"Thanks dear.. ahm.. see you this lunch." Sabi ko.

"Alright, bye".

"Bye"..

Ang bilis makagood vibes ni Karla..Nawala ng konti ang kaba ko na kanina ko nararamdaman. Alam nya na favorite kong pampakalma ang kape *joke*.. no I really can't live without it. Alright! Start doing my job now! Dinikit ko sa corkboard ang sticky note ni Karla kanina at pagkaraan ay ngumiting iniwan ko iyon doon.

-------------------------

LUNCH BREAK**

Successful ang presentation namin ni Ms. Reyes kasama ng buong Creative Team. Nagustuhan ng Ambassador ang designs and overall set up ng function room. Ang sarap ng feeling lahat ng effort at puyat ay worth it. And sa full support ni Karla.. hahaha.. ahm.. wait.. lunch break na pala.. speaking of her pinuntahan ko sya sa cubicle nya sa Sales Department after kong ayusin ang suot kong skirt at lipstick. Naglalakad ako papunta sa kanila.

"Hi, Nikki, tsk.. ganda mo talaga.. " bati ni Engr. Gerald na nakasalubong ko sa paglalakad.

"Ikaw talaga Kuya Gerald.. ikaw din kaya mas lalo kang gumagwapo" nakangiting sagot ko sa kanya bago ko sya lampasan. Huminto si Gerald sa paglalakad na natawa.

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon