Chapter 13

85 0 3
                                    

*Alarm clock*
Bbrzzzz brzzzzz

Pupungas pungas kong inoff ang alarm na iyon. Alam kong may pasok dahil Monday na. Dumantay ako sa tabi ko ngunit isang malawak na kama ang aking nasilayan. Bigla akong nagising. Wala na si Karla sa tabi ko. Sabay nga pala kami kahapon lumuwas ng linggo upang hindi kami ma-rush pareho ng Monday. Tumayo na ako sa higaan ko nang makita ko ang note nakalagay sa ibabaw ng plato.

Babe, I cook breakfast for you, see you later.. I love you mmwaaah!

Napangiti ako matapos kong mabasa ang note na iyon. Pero sobrang inaantok pa din ako. Mas maaga kasi ang pasok ni Karla kesa sakin. Naupo ako sa sofa. Hindi ko namalayan ay napaidlip ako sa pagkakaupo ko na iyon. After 30 mins ay napabalikwas ako ng bangon. Bigla akong napatingin sa relo. Shit! 8:55 AM na!!! Dali dali akong nagshower!! Mabilis akong kumain ng niluto ni Karla. Nagtoothbrush, nagretouch, make up lipstick etc etc etc..

Nakalimutan ko naman na nakaheels pala ako.. nagmamadali pa naman ako tumakbo papuntang elevator ng condo na iyon. Pagpasok ko sa elevator ay may isang babaeng nabangga ko ng hindi sinasadya na syang naging dahilan upang malaglag ang mga dalang gamit din niya.

"Oh I'm sorry Miss! I'm so sorry", sabi ko na pinulot ang mga papers na mukang dadalin pa niya sa work niya. Kung hindi ako nagkakamali ay nagmamadali na din itong pumasok ngunit nagulat ako na nanlilisik ang mga matang nakatingin siya sa akin.

"Miss minsan kasi tumingin ka sa dadaanan mo, hindi lang ikaw ang nagmamadali", aniya na kinuha ang mga papers na pinulot ko. 

"Sorry Miss di ko rin kasi nakita na may tao pala dito", paumanhin ko.

"Iba po kasi sa kaso ko, important papers po kasi yung nahulog nyo, ingat na ingat pa naman ako magcompile nito for presentation," aniya na inayos ulit ang nagkahalo halong papel na binigay ko. Nawala ang inis ko sa dalaga. Kasalanan ko nga kung ganun. Naawa tuloy ako sa itsura niya.

"I'm really sorry.." nasabi ko na lang nang biglang bumukas ang elevator. Badtrip na badtrip na naiinis na inirapan lamang niya akong iniwan don.

Hinayaan ko na lang siyang makalayo dahil nagmamadali din ako. Napatingin ako sa wrist watch ko. 2 mins na lang!!!

---------------------------

"Nikki, tomorrow na pala naka-sched yung photoshoot ng endorser natin sa bagong branch na itatayo sa Tagaytay."

"Bukas na Ms. Reyes?... Ahm how about other materials that we need to prepare according to your marketing plan its aahmm-?",  sabi ko na ni-rereview ang nasa papel na binigay sakin ni Ms. Reyes.

"Yeah that's why I told you that earlier kasi tomorrow til Friday may out of town din ako.. so I give everything to Casey she will assist you", anang Manager.

"Casey?"

"Yes, diko paba napakilala sayo? My new Marketing Assistant. Makipagcoordinate ka na lang sa kanya, alright?.. ok may meeting pa 'ko.. call ka na lang sa local number ni Casey alam na niya iyon", sabi nito na umalis na.

Pag rush talaga active na active si Ms. Reyes. Tinawagan ko agad si Casey. Ngunit nagriring lang ang line. I just dial again her local number but still ringing..

"Marketing..good morning", sagot sa kabilang linya. Ang ganda ng boses niya.

"May I speak to Ms. Casey please?..." sabi ko.

"Ahm yes speaking, may I know who's on the line Ma'am?" Aniya

"Nikki from Creative.."

"Ms. Nikki, ah..yes.. naiendorse na po pala kayo sa akin ni Ms. Reyes regarding our new project",

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon