Chapter 15 - Finale

17 1 0
                                    

Naging successful ang opening ng project event ng company namin sa Tagaytay Highlands, napakadaming guest and investors ang dumalo sa itinayong planta ng kumpanya. Karamihan sa mga ito ay mga private investors at mga bigating business owners. Lahat ng effort at pagod ng preparation namin along with our Creative and Marketing Team ay sobrang masaya dahil lahat ng ito ay nagbunga ng maganda.


Isang buwan ang nakalipas na puro text and video call lang ang communication namin ni Karla. Minsan pa nga, or kadalasan, hindi na ako nakakauwi ng Manila dahil sa mga rush work na di kelangan ipagpabukas pa. Mabuti na lang at madali naman itong maunawaan ng babe ko dahil hindi rin niya namamalayan ang mga araw dahil din sa kabusy-han niya sa opisina kasama sila Joan.


Napabuntong hininga na lang ako bigla sa isipin ko na bumabagabag sa akin noon pa....


"Babe,..?".... Tawag saken ni Karla. Napatingin naman ako sa kanya.


"Ah, babe...bakit?", tanong ko...napabuntong hininga lang si Karla doon.


"Hmmm, kanina pa ako nagkukwento about sa lakad namin nila Joan... hindi ka naman pala nakikinig... ano bang iniisip mo?"...


"Ah, wala naman babe, napagod lang talaga ako, sobrang pagod.."


"Mukha nga... hmmm sige magpahinga ka muna at magbawi ka.. Ano ba gusto mong kainin mamayang dinner?..."


"Ikaw....", sagot ko lang. Napakingiti naman si Karla doon.


"Hmmm, na-miss mo ba ako babe?.. Kulang ba? Ahahah" aniya na yumapos pa sa akin.


"Sobrang kulang ako kasi wala ka sa tabi ko",


"Hmmm kawawa naman baby ko..." ani Karla na kumiss lang sa cheek ko at pagkaraan ay kumalas sa pagkakayapos at tumalikod na para magluto.


"Mas kelangan mo magpahinga babe, hindi biro yung project na ginawa ninyo ni Casey, kumusta na nga pala siya? Naka-recover na ba?"... tanong ni Karla about Casey.


Hindi nakayanan ni Casey ang pagod during event at nagcollapse na lang bigla at dinala sa clinic ng kumpanya.


"Ok naman na si Casey, over fatigue ang nangyari don, no wonder bumibigay ang mga tauhan ni Mrs. Reyes hayssst.." sabi ko lang.


"Babe, may tanong ako.."


"Ano yun babe?"..


"What if, magresign ako sa company, papayag ka ba?".. Napalingon si Karla sa akin.


"Bakit?... Magreresign ka ba?"


"Hindi naman, what if may nag-offer saken na mas magandang opportunity, ok lang ba sayo?"..


My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon