Chapter 11

42 2 1
                                    

"Mano po 'Nay, Tay" bungad ko nang makauwi na ako ng probinsya.

"Kaawaan ka ng Diyos anak" nakangiting sabi ng aking ina. Pareho silang napasino ng aking ama sa babaeng kasama ko.

"Ah, si Karla po officemate and kasama ko sa room na tinutuluyan ko",

"Good morning po, Tita, Tito" nakangiting sagot ni Karla na ginawa din ang pagmamano ko.

"Kaawaan ka din ng Diyos Hija...Ah teka, kumain ka ba kayo? nagluto ako ng agahan, sinangag at pritong isda, halina habang mainit pa", masayang sagot ng aking ina

"Tamang tama, anihan ng mangga ngayon, heka't kunin ko lang dahil kakasalok ko lang kahapon, gagawan ko kayo ng masarap na sawsawan partner sa isda", nakangiting sabat naman ng aking ama na tumalikod upang ihanda ang sinalok na mangga.

"Naku ang sarap naman nyan! Mukang mapaparami kain namin ni Karla ah! Namiss ko din sobra yung ganitong luto!", excited kong sabi nang makapasok na kami ni Karla sa loob ng bahay.

Simple lang ang bahay namin sa probinsya. Isang bakuran na kawayan na puro tanim na halaman ni nanay at may malaking puno ng mangga sa gilid. Sa likod ng bahay ay isang malawak na kabukiran na syang sinasaka at inaanihan ng aking ama ng mga mangga.

"Welcome to our simple abode", sabi ko kay Karla.

"Thanks.." tipid na ngiti lang niya. Hinawakan ko ang kamay niya upang yayain na sya sa silong upang kumain.

Tumambad sa amin ang umuusok na naglalakihang pritong tilapya sa hapag at ang sinangag na kakahango lamang ni Nanay mula sa kusina. Inilagay na din ni Tatay ang sawsawan na mangga na hinaluan niya ng pinaghiwahiwang kamatis, sibuyas at sili.

"Grabe ang bango!!! Nakakagutom naman. Tara kain na tayo!", diko mapigilan ay naupo na ako sa kawayang upuan at ganun din si Karla. Alam ko hindi na rin makatiis si Karla na hindi kumain dahil sa nakikita kong expression ng mukha niya sa pagkain hahhaha!!..

"Teka, nasaan pala si Che at Kit?" Tanong ko nang mapansin kong wala duon ang mga kapatid ko.

"Nasa reunion si Che. Si Kit may pasok ngayon..maya pa sya uuwi galing school".. sabi ni Nanay.

"O sya, tayo'y magpasalamat muna sa Panginoon bago kumain". Sabi ng aking ama na naglead ng prayer bago kumain.

Nakakamay kaming kumakain nang mapansin ko si Karla.

"Try mo magkamay... mas masarap kumain pag nakakamay" nahinang bulong ko sa kanya na sabay subo ng pagkain.

Natutuwa ako sa nakikita kong Karla ngayon.hihihi..

"Kumusta ka hija...", biglang tanong ni nanay kay Karla sa gitna ng pagkain namin.

"Hm.. ok naman po Tita"..

"Lagi ka kasing  naikkwento sa akin ng anak ko. Welcome ka sa munting bahay namin at pagpasensyahan mo na din medyo liblib ang lugar", nakangiting sabi ng aking ina.

"Naku po no worries po Tita. Ako nga po talaga ang dapat magpasalamat ng marami dahil sobrang welcome nyo po ako dito", nakangiting sabi niya na palihim na tinapakan ang paa ko.

"Aray!"


Napatingin si nanay sa akin.

"Bakit anak?"

"Wala may kumagat na langgam sa paa ko.. ang kati", sabi ko na kunwaring kinamot ang paa.

"Kung hindi mo naitatanong... alam na namin ng Tita mo ang ugnayan na meron kayo nitong si Tricia", biglang sambit ng aking ama bago sumubo ng pagkain.

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon