Chapter 12

44 1 0
                                    

A/N

Now playing:
In Love Again
by Colbie Caillat

"I wanna fall in love again but this time, but this time with no regrets, I wanna fall in love again but this time, but this time with no secrets, I don't want just anyone. Not anyone new, I wanna fall in love again with you"

-----------------------------------------------

Dito ko na muna pinalipas ng gabi si Karla sa aming bahay. Sabay na lang kaming luluwas ng Manila bukas.

"Ok lang ba kayo dalawa dyan ha?", sabi ni Inay matapos ayusin ang bedsheet ng kwarto ko.

"Nay ako na lang sana nag-ayos dito,"

"Pinalitan ko lang yoong bedsheet mo't hihigaan ni Karla eh luma na yung nakalagay dyan.. di pala pinalitan ni Che kahapon nagbilin pa ako.... matutulog na kami kayo na bahala dyan", sabi ni Inay na dere deretsong tumungo sa kabilang kwarto nila ni Tatay.

"Hello ate Nikki!" Bungad agad ni Che na lumabas mula sa isa pang kwarto patungong kusina.

"Oh anung oras ka pa dumating dito di kita napansin", sabi ko na lumapit si Karla sa mula sa likod ko.

Bumaling lang si Che sa taong nasa likod ko.

"Hi!", ngiting bati niya kay Karla.

"Hello, ikaw ba si Che?", ngiting sagot lang ni Karla.

"Yes, ate Karla!" Matamis na ngiti ulit ng kapatid ko. And yeah she already knew about Karla hehehe.

"Nasan pala si ate Kit mo?",

"Nasa kwarto may kausap sa cellphone", sagot lang ni Che na pumunta na ng kusina. Iniwan ko naman si Karla sa kwarto ko upang silipin ang isa ko pang kapatid.

Kumatok ako sa pinto ng kwarto nila kahit nakabukas ito. Napalingon naman si Kit sa akin matapos makipag-usap sa cellphone nito.

"Ate Nikki!" Sigaw nito na yumakap sa akin.

"Teka ate, nasaan pala yung kasama mo?" Aniya ngunit napalingon lang siya sa taong nasa likod ko ulit.

"Hello Kit", bati ni Karla.

"Hi", tipid na sagot niya.

"Ate Kit, oh" biglang singit ni Che na may inabot na gamot.

"Oh may sakit ka? Kit?"

"Sumakit ulo ko sa byahe kanina 'te".. sagot lang ni Kit.

"Nasobrahan sa reunion te", sabi Che na dumapa na sa kama at nagbuklat ng anime manga.

"Oh sige, ipahinga mo lang yan Kit... Che, wag masyadong magpuyat dyan ah alam ko adik ka dyan", bilin ko bago ako bumalik sa kwarto namin.

"Yes ate, tapos ko na ung assignment namin", sagot lang ni Che.

"Ok, gudnight sa inyong dalawa", ngiti ko.

"Good night Kit and Che", ngiting sabi ni Karla.

"Good night din po ate Karla", sabay ng dalawa. Napatingin lang ako kay Karla. At lumabas na ako sa kwarto nila. Bumalik na kami ni Karla sa kabilang kwarto ko.

-----------------------------

KIT POV

Maganda si Ate Karla.. mestisa and no wonder nagustuhan siya ni Ate Nikki... tsk si Ate talaga basta maganda madaling maattract.. tingin ko naman mahal na din niya si Ate Karla. Pero wag naman sana maulit yung nangyari sa kanya noon kay Ate Khael. How I wish..wag nang maulit pa....

--------------------------------------

NIKKI POV

Nakaupo ako sa gilid ng bed ko habang inaayos ang mga gamit sa bag ko habang si Karla naman ay nakahiga lang sa tabi ko na pinanonood lamang ako sa ginagawa ko.

"Hmm bakit?", mahinang tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin na nakatingin pa din.

"Wala..masaya lang ako.." sabi ni Karla.

Humiga na din ako at niyakap ko si Karla doon. Yumapos din siya sa akin na subsob ang muka sa leeg ko. Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok.

"Masaya din ako babe", sabi ko na bumaling ng tingin sa mukha niya. 

Magkadikit ang dulo ng ilong namin na parehong nakatitig lamang sa mga mata namin. Hinaplos ko ang kanyang muka habang sinasamsam ang mainit at mabangong hiningang lumalabas mula sa kanyang labi.

"Sana lagi tayong ganito", nasabi ko na lang bago lumapat ang labi ko sa labi niya.

 Naramdaman ko ang matamis at malambot niyang labi na ngayon ay humahalik na din sa labi ko. Naramdaman ko na lang na pinanggigilan niya ang ibabang parte ng labi ko na dahilan para mapakislot ako. Naputol bigla ang halikan namin na iyon sa isang matunog na paghihiwalay ng aming mga labi.

"Babe I'm sorry", sabi ni Karla na hinawakan ang pinanggigilan niyang labi ko.

"It's ok, nagulat lang ako sayo", nakangiting bulong ko lang sa kanya.

"Wait lang baby", sabi ko na in-off ko lang lampshade sa gilid ng kama. Tanging liwanag lamang sa labas ang ilaw namin ngayon. Ipinagpatuloy namin ang masayang gabi na iyon. Sorry pero puro matunog na halik lang namin ang maririnig sa kwartong iyon. Ewan ko. Mahal na mahal ko si Karla. Iba ang pagmamahal ko sa kanya ngayon. Mas umaalab. Sana habangbuhay na lang ganito. Magkasama. Masaya. Nagmamahalan.

Sa gitna ng aming matamis na sandaling pinagsaluhan nagulat ulit ako ng may isang kamay na pumasok sa loob ng damit ko. Ngunit hindi na hinayaan ni Karla na kumawala ang labi ko sa labi niya. Alam kong alam niya ang reaction ko sa ginawa niya. Patuloy lamang niyang ginagawa ang paghaplos ng kamay niya sa katawan ko. Hindi ko alam ngunit napakislot ang katawan ko sa kiliting dala ng sensasyon na ginagawa niya ngayon nang mapadako ang kamay niya sa malulusog kong dibdib. Were still kissing each other while she playing with it. When I suddenly moaned. Napahinto si Karla at niyakap ako.

"Why?",... mahinang tanong ko sa pagitan ng paghinga ng kumalas ang labi niya sa akin. Parang nabitin kasi ako..

"I'm sorry, I can't help it.. " aniya na tila naghahabol ng hininga

Niyakap ko lamang siya.

"Baka magising sila Kit sa atin", mahinang bulong niya.

Natawa ako ng mahina. Yun pala ang ibig niyang sabihin. I just hugged her and kissed her forehead.

"I love you.." I whispered.

"I love you too"... she said yawning.

This is my dream. To be with someone that I love. Ayoko nang magsisi sa huli na hindi ko nasasabi sa taong mahal ko ang nararamdaman ko. Kung anuman ang mga bagay na pagkukulang ko noon. Ngayon ay alam ko na dapat pala iyon gawin. At lahat ng iyon ay ilalaan ko lamang kay Karla. Ayoko nang maulit ang nangyari noon na iwan ng taong minamahal. Mas mahal ko si Karla ngayon. Siya ang nararapat makaramdam ng pagmamahal ko na noon ay parang walang direksyon at patutunguhan. I will do everything for her. I love her so much.

I kissed her lips again kahit alam kong natutulog na sya. Natulog na din ako na nakangiti.. sana lahat ng ito ay hindi panaginip. Dahil kung panaginip lamang ito. Ayoko nang magising pa.


---------------------------


To be continued...

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon