Chapter 1

162 3 4
                                    

NIKKI'S POV

"Hi good morning"..

Bigla akong napalingon sa bumating newbie na pinakilala ng HR nila kanina. She just smile.

"Hello"..

Pagkuwan ay umalis na ang HR upang ipakilala naman ito sa iba. Bumalik ang atensyon ko sa computer. Gising na ngayon ang diwa ko. Dali syang tumayo pumunta ng pantry at gumawa ng sariling coffee before she start doing her project for the whole day.

"Nikki, can you do this for me? May meeting kase ako mamayang before 1pm."

Hindi pa ako nakakabalik sa sariling cubicle ko ay bungad agad ng isang Marketing Manager namin na mahilig sa mga urgent or last minute work.

"Yes Ma'am..( naman talaga)"..

"Ok thanks, I'll be back in 5 minutes"..anang Manager at tumango lamang ako. Syempre hindi padin makatakas sakin ang paggawa ng coffee. Coffee lover yata ang lola mo. Stress reliever at mas natatapos ko ang work ko pag meron non.

In front of my working station, I already set all the things that I need. I opened all graphic softwares for the design projects they want for the incoming event. And..of course itunes for the background music effect lol..Ganyan ang buhay ng isang Graphic Designer/Artist in terms of their working field. The whole day and the next days ay naging sobrang busy ako dahil 1week lang ang deadline bago ang wine tasting event na gaganapin sa Sofitel Manila. CR, lang yata ang pahinga ko bukod sa 1hr lunch break pero 30minutes ko lang  nao-occupy.

"Nikki, gusto mo sumama mamaya after office? Birthday pala ni kuya Roj treat daw nya ano??.." yaya bigla sakin ni Joan na madalas magyaya sa aking gumimik na madalas din naman kong tanggihan. Una busy ako, pangalawa, ayaw ko dahil tinatamad ako at feel ko na hindi pa din ako mag-eenjoy. Ewan ko ba bakit ako ganon..samantalang noon ako pa mismo ang namimilit kila joan na gumimik. Gagawin ko ang lahat makasama lang ang mga to. At ngayon baliktad na ang mundo. Lol.. hindi ko alam pero hindi ko na talaga feel ngayon. Parang araw araw yata akong may period. Kase everytime na magyaya ang mga ito lagi ko na lang itong dinadahilan.

"Don't tell me wrong timing na naman ako? Meron ka ulet?".. patuloy ni Joan. Nag-isip muna ako saglit. Sabagay whole week puro trabaho and since weekend ngayon, mukang na kila Joan ang alas.

"Ok sige, mamaya".. Ngumiti si Joan.

"Alright! See yah later! Let's get rock haha" aniya sabay alis.

"ADIK!".. sambit ko lamang at pagkuwan at tinapos ko na ang trabaho ng araw na yon.

-------------------------------------------------------------

"2 buckets of San Mig lights please!" Sigaw ni Roj sa waiter ng bar na yun na halos hindi magkarinigan sa sobrang lakas ng sounds.

"Grabe sobrang namiss ko to woooh!!!" sigaw naman ni Joan na sabay hithit buga ng yosi sa hangin.

"Psssh ilayo mo nga saken yan Joan nagkakaallergy ako kundi uuwi ako ng maaga", saway ko naman dahil hindi ko talaga kaya ang usok..

"Ay sowee naman", si Joan na dumistansya. Biglang dumating na mga beer na inorder ng birthday celebrant. At binuksan naman ni Roj lahat ng san mig bottles at binigay sa lahat.

"Happy birthday Kuya Roj!!! Cheers!!" Bati ng lahat sabay taas at toast ng bote bago inumin.

"Teka, apat lang ba tayo magcecelebrate ng birthday mo Kuya Roj", pasigaw na tanong ko na nakangiwi sa sobrang ingay ng paligid.

My Favorite ARTIST (GL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon