Not What I Expected!!!

6.8K 245 42
                                    

Magandang hapon guys at since tapos na ang Revenge of a Beki, puwede ko nang ituloy ang story na to, sobrang sorry kung one year nang hindi nakapag update nito hehehe.

Picture of Chase Montevista on the right ======>>>>>>>

Song is Secret by One Republic

===============================================================================

CHAPTER FIVE

Chase's POV

Habang nagdadaan ang mga araw ay mas lalong nagiging sikat si Dexter at hindi ako makakapayag na basta na lang nito maagaw ang bagay na pinaghirapan ko.

"Kailangan kong masira ang Dexter Soriano na yan!" sa loob loob ko habang nakatingin sa binata na kasabay na naglalakad ng babaeng niligawan ko ng apat na taon, hindi ko maiwasang hindi mapaismid dahil hindi ko akalain na ganito para si Zonia samantalang sinabi nitong ayaw nito sa kahit na anong relasyon dahil gusto nitong pagtuunan ang pag-aaral.

"Brad, mukhang hindi maipinta pinta ang mukha mo ah." narinig kong biro ni Bruce na siyang best friend ko ngunit imbes na sumang-ayon ay pinili kong ipagkaila iyon.

"Ano bang pinagsasabi mo Bruce." sagot ko naman dito sabay iwas ng tingin dito at baka mabasa pa nito ang totoong nararamdaman ko.

"Sus tayo pa ba maglolokohan brad, alam ko naman bad trip na bad trip ka ngayon, pero alam mo, hindi naman kita kasi masisisi, I mean come on niligawan mo si Zonia ng apat na tao tapos sa isang iglap parang nawalan ng saysay ang pagtitiyaga mo." paliwanag naman nito.

Sa totoo lang more than Zonia's attention, mas nanaig sa akin ang inis na magkaroon ng kahati sa adoration ng mga tao sa school, I've been in this school for four years tapos basta may dadating na mang-aagaw non at hindi ako makakapayag na mangyari ang bagay na iyon.

"Good morning Chase." nakangiting bati sa akin ni Zonia nang makarating na sila kasama ng taong pinakaaasaran ko, and again that weird feeling sa paraan nito ng pagtingin sa akin.

"Good morning din." nakangiti ko naman bati dito, kahit na nga ba gusto kong mapaismid dito, ngayon kasi tuluyan nang nawala ang amor ko dito kaya naman nagdecide na akong tigilan ang pangliligaw dito, ang gusto ko na lang ay maibalik sa akin ang nararapat sa akin, bonus na lang ang magsisi ito kung sakaling maging sila ni Dexter at masira ang kasikatan nito sa school at mangyayari lang iyon kung sakaling may malaman akong bagay na makakasira dito.

Katulad nang mga nakaraang araw ay magkatabi na sila Zonia at Dexter, hindi ko maiwasang hindi tignan ang binata, at marahil ay naramdaman nito ang pagtingin ko kaya naman nagawi ang tingin nito sa akin hanggang sa magtama ang aming mga mata, hindi ko alam pero bigla akong nailang nang makita ang matiim nitong pagtitig sa akin na para bang umaabot sa kaibuturan ng.......

"Shit! Seriously Chase, you sounded so gay!" kastigo ko sa sarili sa naisip kaya naman pinili kong ituon ang atensyon ko sa professor namin na naglelecture sa harap.

Patuloy ako sa pagmamatyag sa binata, napansin kong medyo tahimik lang na tao si Dexter, pero approachable naman ito, ika nga nang naringgan ko, si Dexter Soriano ay simpleng cool na misteryoso.

Lumipas pa ang mga araw ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa din akong makita o malaman na kakaiba o kahit na anong bagay na makakasira dito at sa paglipas ng mga araw na iyon ay mas lalo pa nga itong nagiging sikat

Ngunit mas lalo akong naging frustrated nang lumabas na ang score para sa prelim namin, katulad ng dati ay maaga akong gumising para pumasok sa school, at gaya ng dati ay abala pa din ang Nanay ko sa mga paninda nito habang ang nakakabata ko naman kapatid ay nag-aalmusal habang nakatutok ang mga mata sa TV.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon