Finally

4.7K 207 36
                                    

Magandang hapon guys! Nakakatuwa dahil kahit sobrang tagal nahold ang story na ito, ay madami pa din ang nagbabasa, kaya maraming salamat talaga. Gusto ko lang sanang inform kayo na baka sa rest day ko which is Thursday and Friday ay hindi ako makapag update,may ginagawa kasi akong story na susubukan kong ipasa sa Black Ink, try lang naman hehehe.

Picture of Chase Montevista on the right=====>>>>>>

Song is Dito by Inigo Pascual

===============================================================================

CHAPTER EIGHTEEN

Chase's POV

Halos isang oras na din siguro akong nakatayo sa harapan ng bahay na iyon, kani kanina lang ay siguradong-sigurado na akong kausapin ito, pero para naman dinadaga ang dibdib ko ng mga oras na iyon, hindi ko alam kung ano bang dapat kong iexpect sa pagpunta kong iyon, ni hindi ko nga alam kung ano bang gusto kong sabihin dito.

Hindi ko maiwasang hindi pagmasdan ang kabuuan ng bahay na iyon, muli ay nagbalik sa akin ang araw na dinala ako dito ni Dexter, ng dahil sa isang pustahan, gusto kasi nitong patunayan na may nararamdaman din ako sa kanya at dahil doon ay muntik ko nang ibigay ang sarili ko, tila biro naman naglaro sa isip ko ang nangyari noon, ang mga emosyon na pinaramdaman nito sa akin, he could take me there and then, pero pinigilan nito ang sarili niya.

Sa sobrang lalim ng pag-iisip kong iyon ay hindi ko na namalayan nang biglang bumukas ang pinto ng bahay, kaya naman laking gulat ko nang may marinig akong nagsalita.

"Are you coming or not?" agad naman natuon ang boses ko sa mukha ng nagsalita, pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko habang nakatingin sa mukha nito, hindi ko mapigilang masaktan nang makita ko ang walang kaemosyon-emosyon nitong mukha, mas lalo akong nasaktan ng basta na lang ito bumalik sa loob.

Naiwan naman akong nagdadalawang isip kung itutuloy ko pa ba ang pakikiupag-usap dito, pero mas nanaig sa akin ang kagustuhan na makausap ito.

Naabutan ko naman ito na prenteng nakaupo sa isa sa mga sofa na naroon, habang matiim na nakatingin sa akin, mas lalo tuloy kumabog ang dibdib ko sa mga titig nito.

I tried to speak, pero parang hindi naman nakikipagcooperate ang bibig ko para gawin iyon, kaya naman nanatili lang akong nakatingin sa mga mata nito.

"Tititigan mo na lang ba ako?" malamig nitong sinabi sa akin, agad naman akong nagyuko ng tingin dito sa pagkapahiya.

"So...sorry..." hingi ko naman nang paumanhin dito, isang malalim naman na paghinga ang ginawa nito at pagkatapos noon ay tumayo na ito.

"Kung wala ka naman palang sasabihin ay makakalis ka na, gusto ko nang magpahinga." akma itong aalis nang tila may sariling isip naman ang mga paa ko na agad lumapit dito at awtomatiko naman na humawak ang kamay ko sa palapulsuhan nito, stopping him from going.

"Sorry." gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil tanging paghingi lang ng sorry ang nasasabi ko.

Kita ko naman ang pagkaubos ng pasensya nito ng dahil sa pananahimik ko kaya naman lakas loob kong sinubukan magsalita.

"Kamusta ka na?" ang tanging nasabi ko dito.

"I'm ok." parang pinanghihinaan lalo ako ng loob sa kinikilos nito, tila kasi wala na itong pakialam kahit nandoon ako.

Tila naman napipilan na naman ako sa inaakto nito.

"What do you expect Chase? Na maglulundag siya sa tuwa dahil nakita ka niya? Remember, inutusan mo siyang layuan ka na niya." tila sarcastic naman na sinabi ng isang bahagi ng isipan ko.

"You know what Chase? I really want to rest, so kung wala ka nang ibang sasabihin pa ay makakalis ka na." pinal na nitong sinabi, nanatili naman akong nakatingin dito hanggang sa makarating na ito sa hagdan at doon ko na nahanap ang kakayahang makapagsalita.

"Alam ko nang ikaw ang nagligtas sa kapatid ko." finally ay nasabi ko na ang pinakadahilan kung bakit gusto ko itong kausapin.

"And then?" nanatili itong nakatalikod sa akin, kaya naman hindi ko makita ang reaksyon sa mukha nito.

"Maliban pa doon ay ikaw ang nagligtas sa akin sa school." pagpapatuloy ko, namalayan ko na lang na naglalakad na pala ako palapit dito, alam kong alam niya ang ginawa kong paglapit at mabuti na lang at nanatili lang siya sa puwestong iyon.

"Gus...... gusto kong malaman kung bakit mo ginawa ang lahat ng iyon para sa akin? Alam kong ikaw din ang nagligtas sa akin noon." sinabi ko dito, sigurado na ako na siya din ang nagligtas sa akin sa mga bumugbog sa akin ng may niligtas akong babae noon.

Bahagya akong napaatras nang muli ako nitong harapin, at halos mawalan na ako ng pag-asa nang makita ko ang tila walang pakialam nitong emosyon, naisip ko tuloy na huli na ang lahat.

"Bakit kailangan mo pang malaman ang mga bagay na iyon? Why does it matter?" magkasunod naman nitong tanong.

"Mahalaga sa akin iyon! Dahil handa na akong subukan kung anong meron tayo!" galit kong sinabi dito, naiinis na kasi ako dahil parang wala na itong pakialam na baka hindi naman pala totoo ang nararamdaman nito sa akin.

Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha nito sa sinabi ko, at least meron pa palang emosyon akong makikita dito, ngunit laking gulat ko nang makita ko ang pagtiim ng bagang nito.

"Hindi ko kailangan ang pagbabayad mo ng utang na loob, kaya kung iyon lang........" ngunit hindi na nito natapos ang kung ano pa man na sasabihin nito na dali dali kong tinawid ang distansya sa pagitan namin, at agad inangkin ang mga labi nito.

Ramdam ko ang labis na pagkagulat nito sa ginawa ko, natakot nga akong baka itulak ako nito palayo, ngunit ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtugon nito sa mga halik ko, sa simula ay banayad lang iyon na tila ba tinatanya kung sigurado ba ako sa ginagawa ko ngunit agad din nagbago iyon at mas lalong lumalim ang pagkakalapat ng mga labi namin, halos pangapusan na nga ako ng hininga nang bitawan nito ang mga labi.

Pinagdikit nito ang mga noo namin, habang magkaniig ang aming mga mata.

"Handa na akong subukan kung anong meron sa atin, hindi na ako takot na sundin kung anong nararamdaman ko, pagod na akong labanan ang sarili ko na lumayo sayo dahil alam ko sa puso ko na ikaw at ikaw lang ang hahanapin nito." matapat kong sinabi dito, sabay turo sa puso ko.

Agad ko naman nakita ang emosyon sa mga mata nito na akala ko ay hinding-hindi ko na makikita, kita ko din ang tila pangingilid ng mga luha sa mga mata nito, ngunit hindi ko nakumpirma dahil muli nitong sinakop ang mga labi ko, na malaya ko naman na tinugon, gusto kong iparamdam dito ang nararamdaman ko kung sakaling nagdududa pa siya na pagtanaw lang ng utang na loob kaya ko ito ginagawa.

Pagod na kasi akong lumaban sa isang bagay na sinisigaw ng puso ko, hindi ko alam kung ito na ba ang pagmamahal na sinasabi nila, pero handa akong alamin iyon, handa akong alamin kung pag-ibig din ba ang nararamdaman sa akin ni Dexter.

Sabay naming kikilalanin ang isang emosyon na ngayon lang namin parehong naramdaman, isang emosyon na walang kinikilalang kasarian o katayuan sa buhay.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon