Face Your Fear

5.6K 240 29
                                    

Magandang tanghali guys, bago pumasok pilit na nagdradraft sana matapos ko hehehe, again thank you sa understanding kung medyo matagal ang update since isang dukha ako hehehe kailangan maghanap buhay :)

Picture of Dexter Soriano on the right =====>>>>>>

Song is Automatic by Tokio Hotel

===============================================================================

CHAPTER TEN

Chase's POV

Man! I can say that, that's the most boring one week I experienced. Yes nakapagpahinga ako ng isang buong linggo, nakapagpahinga sa school works at lalo na sa pagpapanggap na perpekto ako, nagkaroon pa ako ng time na makipaglaro kay Kenji pero matapos lang ang dalawang araw ay naging boring na ang lahat, namiss kong pumasok sa school, kaya naman fifth day ko pa lang sa pagpapahinga ay naisipan ko nang pumasok kahit na nga ba kinagalitan ako ni Nanay, naalala ko pa ang naging eksena kaninang umaga ng maabutan ko itong naghahanda ng mga paninda nito.

"Oh ba't ang aga mo atang magising matulog ka pa." ang sinabi ni Nanay sa akin pagkagising ko ng umagang iyon.

"Uhmmm papasok na po ako." I decided to tell her the truth, agad naman itong tumigil sa ginagawa, at matapos patayin ang apoy sa kalan ay lumapit ito sa akin at kitang kita ko ang kaseryosohan sa mukha nito.

"Anak naman...... ilang beses na nating pinag-usapan ito, ang bilin ng doktor ay magpahinga ka ng at least one week." dinig ko ang frustration sa boses nito, halos araw araw kasi ay kinukulit ko itong payagan na akong pumasok.

"Kasi naman po.... ang dami ko nang namimiss sayang naman po running for suma cum laude ang anak ninyo." paliwanag ko dito.

"Chase naman kasi...... hindi ka pa magaling." tutol nito pero alam kong konting lambing na lang dito ay bibigay na din ito.

"Ok na po ako, kung muling sasakit ang katawan ko ay pupunta na lang ako ng clinic at doon magpapahinga kaya naman payagan niyo na po akong makapasok." paglalambing ko dito.

"Ang tigas talaga ng ulo mo! Bahala ka na nga!" kunwari ay galit nitong sinabi kaya naman lihim akong napasuntok sa hangin dahil success ang operation paglalambing kay nanay para payagan ako nitong pumasok.

"What happened to you?" iyon agad ang sumalubong sa akin mula sa mga schoolmates and classmates na nakakasalubong, halata ang pag-aalala nila ng makita nila ang mga pasa sa katawan ko.

I know it's kind of shallow but I'm enjoying the attention that I am getting, feels like the time na wala akong kahating iba sa atensyon ng mga schoolmates and classmates ko, noong wala pa si Dexter.

Speaking of Dexter, sakto naman na dumating ito sakay ng isang mamahaling kotse, sandali akong natigilan ng panandaliang nagtama ang mga mata namin, biglang parang may kumurot sa puso ko habang nakatingin sa mga mata nito, wala akong nabasang kahit na anong emosyon sa likod ng mga mata nito.

Nagdalawang isip ako kung susundan ko ba ito pero nagdesisyon na lang akong mamaya ko na lang ito kakausapin kapag wala nang tao sa paligid.

I got the same reaction from my best friend ng magkita kami nito sa una naming klase.

"Ang sabi mo lang sa akin masama pakiramdam mo, hindi mo naman nasabi sa akin na bugbog sarado ka." napapailing na sinabi nito at ang loko talagang dinutdot pa ang pasa sa mukha ko na medyo nanakit pa.

"Aray! Huwag ka ngang mandutdot." iritable kong sinabi dito na tinawan lang naman nito.

"Pero seriously dude, what happened?" seryoso na nitong tanong sa akin, kaya naman kinuwento ko dito ang mga nangyari.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon