Something About That Kiss

6.4K 249 40
                                    

Good evening guys since rest day ko kaya naman sinusubukan ko uli magsulat pero hindi ko muna siya iaupload kaya pasensya na :)

Picture of Dexter Soriano on the right =====>>>>>>

Song is Crazy by Britney Spears

===============================================================================

CHAPTER SIX

Chase's POV

Agad kong narandaman ang pagnanasa sa kaibuturan ko nang maramdaman ko ang mapang-akin na halik ni Zonia sa akin, goodness ngayon ko lang naramdaman ang ganitong halik, yeah I had several experiences kissing a girl pero iba pala talaga kapag ang kahalikan mo ay ang babaeng niligawan mo ng halos apat na taon.

"You're driving me crazy, babe." halos pangapusan ako habang nakapikit ang mga mata, I'm trying to prolong the intimacy that we have.

"I'm glad na naeenjoy mo ang halik natin." ang narinig ko dito habang bahagyang magkalapat ang aming mga labi ngunit agad akong napamulat ng mga mata ng marinig ko ang bagay na iyon at tumambad sa akin ang mga maiitim na mga mata ng huling taong gusto kong makita.

"NO!!!!!!" 

Bigla naman akong napaigtad habang iniikot ang tingin sa paligid ko, doon ko lang napagtanto na nasa loob pala ako ng kuwarto, agad akong napahawak sa tapat ng puso ko na sobrang bilis sa pagkabog, doon ko lang din napansin na basang basa pala ako ng pawis.

Agad kong nahilamos ang dalawa kong kamay sa mukha dahil muli na naman naglaro sa isip ko ang nangyari kagabi.

Wala sa sariling napadako ang kamay ko sa labi ko as if still feeling the kissed that Dexter and I shared.

"Snap out of it Chase!" galit na galit kong sinabi sa sarili, kasi naman hindi ako dapat nagpapaapekto sa nangyari, dapat nga hindi ako ang babother kung hindi ang tarandong nanghalik sa akin.

I was about to step out of my room ng may bigla akong naisip.

"Does it mean Dexter is gay?" sa loob loob ko dahil iyon lang naman ang tanging explanation kung bakit nito magagawang manghalik ng kapwa nito lalaki.

Pero agad ko iyong binura sa isip ko dahil kahit ano pa man siya ay hindi dapat ako magpaapekto pero magagamit ko ba ang impormasyon na nakipaghalikan ito sa lalaki kung ang lalaking hinalikan nito ay ako?

There's no way na gagamitin ko ang bagay na iyon, imagined the most popular guy in campus ay naisahan at nahalikan ng isang bakla o kung bakla man siya.

"Oh ang aga mo atang nagising anak." salubong sa akin ni Nanang na mukhang kakagising lang din.

"Wala lang po." sagot ko naman dito at dahil masyado pang maaga ay minabuti ko na lang na lumabas para magpahangin sa labas.

Sa labas ng bahay ay bumungad agad sa akin ang kapitbahay namin na sila Roberto na nakikipag-inuman na naman sa mga barkada nito, hobby na kasi nito ang magpakalasing araw araw.

Kung nakikita lang ng mga tao sa school kung saan ako nakatira ay baka hindi na nila ako hangaan dahil nga ang alam nila mayaman kami pero ang totoo ay mahirap lang kami.

"Konting tiis na lang Chase, isang taon na lang at makakapagtapos ka na din sa kolehiyo at magagawa mo nang itaguyod ang pamilya mo." sa loob loob ko, and with that in mind ay agad bumalik sa loob para mag-ayos, naabutan ko pa ang inaantok kong kapatid at gaya ng dati ay pinasan ko uli ito, natapos lang ang paglalaro namin ng kunin na ito ni Nanang para makapag almusal, agad naman akong pumasok sa banyo para maligo at mag-ayos at matapos nga ang kulang kulang isang oras ay handa na ako sa pagpasok sa school.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon