Last Subject

5.9K 232 24
                                    

Good evening guys, ito na naman ako nagdradraft na naman sana matapos ko kahit hanggang bukas pero again hindi ko maipapangako na madalas ang pagdraft pero will do my best.

Picture of Dexter Soriano on the right=====>>>>>>>

Song is Caught in the Middle by A1

===============================================================================

CHAPTER SEVEN

Chase's POV

"Ano ba?!" gigil na na gigil kong sita sa sarili ko, at mas lalo akong nafrustrate ng makita kong pasado alas dos na nang madaling araw.

Para kasing sirang plaka na naglalaro sa isipan ko kasi ang sinabi ni Dexter sa akin bago pa man ako makababa sa rooftop.

"Just so you know, it's you that I like"

"Ano naman ngayon kung ako ang gusto niya? The feeling is not mutual, right?" para na tuloy akong baliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko.

Dahil hindi naman dalawin ng antok kaya naman naisipan kong umupo na lang sa kama ko habang nakatingin sa madilim na kadiliman, mukhang uulan base na din sa mga ulap na tumatakip sa buwan at mga bituin.

Hanggang ngayon naguguluhan ako sa mga bagong emosyon sa dibdib ko, ng dahil sa halik na binigay ni Dexter sa akin, alam kong hindi ako bakla, nagkakagusto ako sa mga babae no doubt about it pero bakit ginugulo ng Dexter na iyon ang buhay ko, mas higit ang emosyon sa dibdib ko, wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok non na para bang kagagaling ko lang sa isang mahabang pagtakbo.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko pero ang alam ko ay hindi dapat ako makaramdam ng ganito kay Dexter, kaya naman isang desisyon ang kailangan kong gawin at iyon ay ang iwasan ang lalaking iyon.

"Stay away from him Chase, he only means trouble." and with that in mind ay nakaramdam na din ako ng pagkaantok at bago ko pa tuluyang ipikit ang mga mata ko ay nakita ko pang alas tres na pala ng madaling araw.

Pakiramdam ko kakatulog ko pa lang ng gisingin ako ni Nanay, ngunit ng tignan ko ang oras ay saka ko lang nalaman na alas sais na pala ng umaga, kaya naman agad akong bumangon para maghanda sa pagpasok sa school.

"Unang beses atang ginising kita ah." narinig kong sinabi ni Nanay nang nagtatali ako ng sintas ng suot kong sapatos, at tama ito unang beses pa lang ako nito ginising simula ng maghigh school ako.

Another first after a certain Dexter Soriano came to my life, and it needs to stop, as in right now, before I.........

"Before what Chase?" narinig kong tanong ng isang bahagi ng isip ko na agad kong binura sa isip ko.

"Una na po ako." ang sinabi ko lang dito at matapos magmano dito ay agad na akong naglakad papunta sa sakayan ng jeep.

Habang sakay ng jeep ay iniisip ko na ang gagawin kong pag-iwas kay Dexter, pilit kong iniignore ang pagtutol sa dibdib ko na para bang mali ang binabalak ko.

Hanggang sa makarating ako sa school ay iyon pa din ang tumatakbo sa isipan ko, ni hindi ko nga napansin ang the usual tilian ng mga babaeng humahanga sa akin.

"Oi Chase, mukhang hindi ka nakatulog ng maayos ah." narinig kong puna ni Bruce sa akin pagkaupong pagkaupo ko sa usual spot ko.

"Wala, may mga kailangan lang akong gawin." pagkakaila ko, hindi ko man gusto ay awtomatikong lumipad ang tingin ko sa bandang harapan kung saan nakaupo si Dexter, ngunit laking pagtataka ko ng makita kong wala ito, samantalang nandoon si Zonia na mukhang tahimik lang ng mga oras na iyon, marahil hindi nito akalain na may lalaking magrereject dito.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon