Can't Let Go

3.4K 134 10
                                    

Good morning guys! Here in the office at dahil nakachat kaya naman magsusulat ako hehehe. Nga pala may nakabasa na ba sa inyo nang Something Like Summer? Kung hindi pa basahin ninyo sobrang ganda ng story, meron din siyang movie na maganda din naman pero mas prefer ko ang libro, highly recommended.

Picture of Chase Montevista on the right =======>>>>>

Song is You Are The Reason by Callum Scott

===============================================================================

CHAPTER THIRTY TWO

Dexter's POV

"There's still time, hindi mo kailangan mag-isa." I tried to ignore Joel.

Desidido na ako. I know I'm acting rashly, alam kong maari akong mapahamak kapag mag-isa lang ako, pero ang mahalaga ngayon ay mailigtas ko si Chase at alam kong sakaling mapansin ni Dino o ng kahit na sinong tauhan nito na hindi ako mag-isa ay baka mapahamak si Chase.

At hindi ko hahayaan na mapahamak ang taong nagparamdaman sa kin muli kung paano ang mabuhay, kung paano ang magmahal, itataya ko maski ang buhay ko para lang makaligtas si Chase, that's how much I love him.

Patuloy pa din sa pangungumbinsi sa akin ang dalawa ngunit nakapagdesisyon na ako.

Around seven nang magdecide akong mag-ayos na, bingi ako sa lahat ng mga sinasabi ni Justine at Joel sa akin, wala na silang nagawa nang makasakay na ako sa kotse ko.

"Mag-ingat ka." ang tanging nasabi na lang ni Justine sa akin, kita ko ang pag-aalala sa mukha nito, sa totoo lang sobrang laki ng utang na loob ko sa taong ito, dahil kung hindi sa kanya ay matagal na akong napahamak.

"I will." ang tanging naging sagot ko dito, hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba ang bagay na iyon lalo na't tuso si Dino.

Isang malalim na paghinga muna ang ginawa ko bago ko pinaandar ang sasakyan ko, tutok ang mga mata ko sa kalsada ngunit ang isip ko ay lumilipad patungo kay Chase, umaasa akong magagawa kong iligtas ito, maski ito lang ang makaligtas ay ok lang sa akin.

Ayon sa text na natanggap ko kay Dino ay sa Taytay nito dinala si Chase, kaya naman doon din ang tungo ko.

Inabot din siguro ako ng isa't kalahating oras bago ako makarating sa address na pinadala sa akin, agad akong bumaba ng kotse at tumambad sa akin ang isang abandonadong building na may tatlong palapag, medyo nasa kalayuan ito sa mismong kalsada at kung hindi sasadyain ay hindi mo ito agad agad mapapansin, hindi ko sigurado kung nandito ba si Chase pero ayon naman sa address na binigay sa akin ay nasa tamang lugar ako.

"Anak." narinig kong tawag sa akin, bigla naman nanggalit ang mga ngipin ko ng marinig ko ang boses na iyon, kahit hindi ko ito lingunin ay hindi ko ipagkakamali ang boses na ito.

"Don't you ever call me that, where is Chase?" malamig kong sinabi dito na tinawanan lang naman nito.

"Excited to see your gay boyfriend?" tanong nito na hindi ko naman sinagot, kaya naman muli itong nagsalita. "To be honest hindi ko akalain na maiinlove ka sa lalaki, I mean ano na lang ang iisipin ni Demitri kapag nalaman niyang bakla pala ang anak niya." puno nang pang-iisulto nitong sinabi.

"Huwag na huwag mong idamay ang pangalan ni Dad!" hindi ko napigilan mapasigaw dito, Demitri is my father, he's half brother.

"What a pity." ang nanunuya nitong sinabi.

"Pinapunta mo ba ako dito para lang insultuhin?" walang emosyon kong tanong dito.

"No... of course not, where are my manners. Come in." anyaya pa nito sa akin, pero minabuti kong huwag na munang kumilos at nang mapansin nitong hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko ay muli itong humarap sa akin.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon