A Picture

4.2K 179 17
                                    

Magandang hapon guys! Rest day ko na!! Hehehe, again I'm really sorry kung sobrang tagal akong mag update, pero sabi ko nga pipilitin kong tapusin ang mga nasimulan ko kaya ito pilit na nagdradraft.

I want to promote @xakni_allyM Rough Love, you know her with her seductive and erotic stories, kaya naman alam ninyong maganda ang librong nagawa niya, for PHP150, ay mabibili niyo ang akda niyang Rough Love, just send her a message and she will tell you how to get her story.

Picture of Dexter Soriano on the right=========>>>>>>

Song is Just Tell Me You Love Me by England Dan and John Ford Coley

===============================================================================

CHAPTER TWENTY THREE

Chase's POV

"Hays!" hindi ko maiwasang hindi maghikab, habang nakatingin sa kapatid kong naglalaro, I love my brother, don't get me wrong pero ngayon kasi parang gusto kong makasama uli si Dexter.

Can't believe, na mag-iisang buwan na pala nang maging kami ni Dexter, sobrang bilis nang panahon, kasi ba naman hindi ko talaga namalayan dahil sa bawat araw na kasama ko si Dexter ay hindi ko na napapansin ang oras.

Katulad kahapon, kahapon lang kaming magkasama, pero namimiss ko na agad siya.

Almost a month na din simula nang malaman nang mga tao sa school ang totoo, na hindi talaga ako mayaman, na nagpanggap lang ako, and as expected madami ang nagalit at nangutya sa akin, pero meron din naman mga taong balewala lang sa kanila ang nalaman, at katulad nga nang sinabi ko.

I don't give a damn, kung anuman ang iniisip nila sa akin, ang mahalaga ay ang mga taong tanggap ako, mayaman man o hindi.

"Ok ka lang ba kuya?" nagulat na lang ako ng kalabitin ako at tanungin ako ni Kenji, at nang tignan ko ito ay kita ko naman ang nakakunot noo nitong itsura.

"Wala naman." sagot ko naman dito, sabay gulo sa buhok nito, na sadyang kinaasaran nito, mas lalo tuloy akong natuwa nang makita ko ang ginawa nitong pagnguso.

Natigil lang ang pangungulit ko dito nang dumating na si Nanay, Sabado non kaya naman lahat kami ay nasa bahay, maliban pa doon ay hindi naman kami magkikita ngayon ni Dexter, hindi ko maiwasang hindi maalala ang pagkawala nito nang halos isang linggo, at kung hindi ito nagpasabi na mawawala ito nang ganoon katagal ay talagang mag-aalala talaga ako.

Pero, minsan talaga nagtataka ako kung saan ito nagpupunta kapag nawawala ito, hindi lang kasi miminsan na nangyayari iyo, at kapag tinatanong ko naman ito ay lagi lang ako nitong sinasagot ng ngiti.

Misteryosong tao talaga si Dexter, pero alam ko sa sarili ko na kahit anong tinatago nito ay patuloy ko pa din itong mamahalin.\

Magkasunod naman kaming nagmano ng kapatid ko kay Nanay nang tuluyan na itong pumasok, dinalaw kasi nito ang kaibigan nito na may sakit sa Sampaloc.

"Kamusta naman po si Maam Minerva?" tanong ko dito, habang pinaghahanda ito nang makakain at maiinom.

"Iyon may trangkaso, kaya naman pala hindi nakakapasok at nakakabili ng mga paninda ko." sinabi nito matapos uminom nang inabot kong juice.

Naputol ang pag-uusap naming iyon nang makarinig kami ng magkasunod na katok, na sinundan naman nang pagtawag ng isang lalaki sa harap ng bahay namin.

"Ako na po." pagpriprisinta ko, bumungad naman sa akin ang isang lalaking nakauniform nang itim na coat at slacks, mukha tuloy itong isa sa Men in Black.

"Chase Montevista." sinabi naman nito, ni hindi nga ito nagtatanong.

"Sino po sila?" tanong ko dito, hindi ko naman maiwasang hindi kabahan lalo na't natatakot ako sa taong ito, ang laki naman kasi nang katawan nito na kahit anong oras ay kaya akong mapatumba sa isang suntok lang.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon