I Love Him

3.9K 144 18
                                    

Good morning guys!!! And a Happy New Year!!!! Hope kumpleto pa ang mga daliri natin hehehe joke, ngayong 2018 New Year's resolution ko ay makapag update ng kahit 2 chapters per week, sana matupad hehehe.

Picture of Dexter Soriano on the right=========>>>>>>

Song is Without You by Samantha Cole

===============================================================================

CHAPTER TWENTY EIGHT

Chase's POV

"Huwag mo ngang sayangin ang mga luha mo sa taong iyon." narinig kong inis na sinabi ni Bruce sa akin, sakay kasi ako ng kotse nito pauwi sa bahay.

Sa totoo lang hindi ko na masyadong maintindihan ang mga sinasabi nito, dahil parang sirang plakang naglalaro sa akin ang huling sinabi nito sa akin.

"I'm sorry Chase, but...... I don't love you."

"I'm sorry Chase, but...... I don't love you."

"I'm sorry Chase, but...... I don't love you."

"I'm sorry Chase, but...... I don't love you."

Parang sasabog ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko, hindi ko akalain na makakaramdam ako ng ganitong sakit.

Namalayan ko na lang na huminto na pala ang kotse ni Bruce ko ngunit nang tumingin ako sa labas ay napansin kong nasa isang park kami, kaya naman may pagtatanong nang tumingin ako dito.

"Alam kong masakit Chase, pero kailangan mong tatagan ang sarili mo. Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Dexter iyon, pero naniniwala akong totoong mahal ka niya." mahinahon nitong sinabi sa akin.

Sa loob loob ko ramdam kong totoo ang sinabi nito, ngunit sa nangyayari sa akin ngayon ay hindi ko alam kung ano bang dapat na isipin.

"Ramdam.... ko naman na totoong mahal ako ni Dexter, pero hindi ko alam kung bakit niya kailangan sabihin ang bagay na iyon...." mas lalong lumakas ang daloy ng mga luha ko sa magkabila kong mga mata habang sinasabi ang bagay na iyon.

"Hindi ba obvious ang dahilan?" tanong nito sa akin, isang malalim na paghinga muna ang ginawa nito nang makita nito marahil ang tanong sa mukha ko, bago ito nagpatuloy na magsalita.

"He did it because of you! Natatakot si Dexter na baka idamay ka ng Tito niya, he cares more about you na kahit masaktan siya ay pinili niyang lumayo." paliwanag naman nito sa akin.

"Kaya nga mas dapat na kasama niya ako, mas kailangan niya ako sa laban na to." sagot ko naman dito.

"Sa tingin mo Chase, anong magagawa mo para matulungan si Dexter? Sa tingin mo ba, makakapag concentrate siya sa mga kailangan niyang gawin kung sakaling aalalahanin ka niya." natahimik naman ako sa sinabi nito.

Tama naman si Bruce eh, ano nga bang magagawa ko para matulungan ko ang taong mahal ko, ano bang magagawa ng isang mapagpanggap na katulad ko ang kagaya ni Dexter, I don't have the money nor the power para makuha nito ang hustisyang hinahanap nito.

Matapos ang pag-uusap naming iyon ay minabuti nang ihatid ako ni Bruce sa lugar namin, Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay.

"Salamat." ang halos pabulong kong sinabi dito, akmang may sasabihin sana ito ngunit mukhang nagbago ito ng isip, pumasok lang ako sa bahay ng tuluyan nang nakaalis ang sasakyan ni Bruce, naabutan ko naman si Nanay na palabas ng kuwarto nito.

"Magandang gabi po." bati ko dito kasunod ang pagmano dito.

"Magandang gabi din, gusto mo bang kumain?" tanong naman nito sa akin.

My Rival My Lover (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon