Precious Dane Torres
"Mabait ako. Pero marunong din akong makiramdam. Pag umaabuso na kayo"
Isa ako sa mga hugotera sa section namin. Maldita. Prangka. TOTOONG KAIBIGAN. Makulit. NBSB(NO BOYFRIEND SINCE BIRTH). Bitter ako. Kayang-kaya kong magpanggap na masaya ako. Pero ang totoo. Nasasaktan na ako. Pero aaminin ko. BRUTAL AKONG TAO. Mahilig din akong magbasa ng wattpad😂
Raven Fajardo
"Madaling Matulog. Mahirap Bumangon. Ang daling Mahulog. Ang hirap mag move-on."
Hindi ako mahilig humugot. Pero makikihugot nalang din ako. Hahaha! Charr! Maldita ako. Prangka din. Makulit at maharot. NBSB. Maraming crush. Parehong-pareho lang kaming ugali ni Precious pero sya hugotera at ako hinde. Aaminin kong maganda ako. Ako ang muse ng klase at palaging in love ang mga lalake. Kaso ayoko sa mga lalaki kong kaklase mukha naman silang mga badjao!👊✌
Dorothy Ubaldo
Hindi ako hugotera. Madalas tahimik lang pero pag sinumulan mo akong kausapin ikaw rin yung susuko. Hahaha! May tinatago rin kase akong kadaldalan! May kambal ako. Makulit ako. Masyadong mahiyain. Pero pag sinapian ng kasaltikan. Baka madamay ka sa kababalaghan! Hahahaha!!!😉
Dessiry Ubaldo
Ako yung kambal ni Dorothy. Kung medyo madaldal si Dorothy. Ako. Walang pake sa mundo. Pag hindi mo ko kinausap. Bahala ka hindi rin kita kakausapin. kung mahiyain si Dorothy. Doble nun ang pagiging mahiyain ko. Tahimik lang ako. Minsan lang magdaldal. Kaya bawat salita ko sayo. Pansinin mo ko. Kase bilang lang ang salita ko sa bawat araw.😊
Camille Sandoval
Minsan humuhugot rin ako pero hindi naman madalas. Prangka ako. Hindi mo na ako makakausap once na beast mode ako. Madaldal ako? Oo SOBRA. Umagang-umaga maririnig mo na agad yung putak ng bibig ko. Matapang ako. Pero may tinatago rin akong kabaliwan😏
Tiffany Leano
Madaldal ako? OO SOBRANG DALDAL KO. At proud ako dun! Hahaha! Lovelife? Nah, hindi ko kelangan nyan. Si God lang ang kelangan ko. Makulit ako. Sobra. Mahilig akong kumanta. Glee club member ako sa dati kong school. 🎤
Josiah Vidal
Nung una. Mahiyain ako. Pero pag ako kinausap mo! Nakooo! Hahahaha! Minsan lang ako humugot at makidaldal sa kanila. Mabait din ako pero sobrang kulit. Hindi ako masyadong close sa kanila pero kay Dorothy, oo. 😄
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL LIFE💙
JugendliteraturYung feeling na yung crush mo walang pake sayo?! Tapos yung masaklap pa don eh yung crush mo may gusto duon sa KAIBIGAN mo. At yung kaibigan mo ayaw na ayaw dun sa crush mo kase sayo daw yun. Ang bait noh? Sana lahat ng tao ganyan. Pero sino ka nga...