Precious's POV.
*riiiiiingg*
Goooooood Morniiiing!!!!!
Ngayon ang first day ng school. And guess what? Magkakaklase kaming apat na kapareho kong galing sa iisang school!!! Transferee lang kase kami sa Wisdom High. 1st year highschool and first time kong pumasok sa public school!! (Actually, bagumbong High dapat talaga ang ilalagay kong school kase dun talaga ako nag aaral😏 ).
"TIFFANYYYY!!!"
"Ano ba?!! First day na first day ng pasukan ang ingay mo agad. Wala naman siguro ako sa kabilang bundok para sigawan ng ganun kalakas noh?"
"Ay nako wala ka talaga sa kabilang bundok kase katabi lang kita ngayon eh. Pero pag ako naasar matatadyakan talaga kita makakarating ka sa tuktok ng mount everest👊"
"Ga---"
"DOROTHYY!! DESSIRYYY!!"
Hindi ko na pinatapos yung pagsermon sakin ni Tiffany. Nakita ko kaseng naghahanap samin yung dalawang kambal kaya sinigawan ko na😂. Namiss ko yung kambal nato ehh😂😂.
*pak*
"Aray ko! Tang*na Tiffany makakarating ka na talaga sa mount everest!"
Takte! First day of school binatukan ako! Wow ha👊.
"Eh kase kung makasigaw ka sa kambal kala mo talaga ang layo eh!!"
"Sumigaw ka pa kung di mo lalakasan?! Utak tol*sabay turo sa ulo*"
Inirapan nalang ako ni Tiffany.
"First day nagsisigawan na agad kayo."
Natauhan kami ni Tiffany ng nakita ko na nasa harap na namin yung kambal. Malamang, alangan namang nagulat kami tapos nasa likod namin yung kambal.
Si Dorothy yung nagsalita. And si Dessiry. Ayun. Nakangiti lang. Kelan pa ba nagsalita ng kusa yan😒.
"Eh kase itong si Precious ang ingay ng bunganga!"
"Pareho lang kayong maingay"
Napatigil kami. Nagkatinginan kami ni Tiffany sabay ngiti....
"SI DESSIRY NAGSALITA NG KUSA!!"
Napatakip ng tenga yung kambal sa sigaw namin ni Tiffany.
BINABASA MO ANG
HIGH SCHOOL LIFE💙
Teen FictionYung feeling na yung crush mo walang pake sayo?! Tapos yung masaklap pa don eh yung crush mo may gusto duon sa KAIBIGAN mo. At yung kaibigan mo ayaw na ayaw dun sa crush mo kase sayo daw yun. Ang bait noh? Sana lahat ng tao ganyan. Pero sino ka nga...