That Stressful Saturday

8 0 0
                                    

Precious's POV.

It's Saturday. At hindi ko makikita si Mr. KILAY😭. Pero okay lang yun. Masyado namang over acting.

Nagbabasa ako nang wattpad and it's already 10:00 am nang utusan ako ni mama. Nagluluto na kase sya for our lunch. Kelangan kase malabonggang lunch ehh. Andito kase si papa. Tuwing Saturday & Sunday sya andito dahil walang pasok sa trabaho.

"Precious!! Ano?! Diba inuutusan kita?! Adjnsidvidha---"

Hindi ko na pinakinggan yung pagdadak-dakdak sakin ni mama.

Binabasa ko kase yung Mr. Maniac meets Ms. Pervert. At eto na yung scene na--- na---.

"Hala si Mayu! Huhuhu!"

Mukha akong tanga na nagdadrama dito mag isa. Namatay na kase si baby Mayu😭😭 yung anak nila JD at Asha.

Humahagulgol nang iyak sila JD nang may nang-agaw ng phone ko.

"OH WHAT THE?!!---M-mama--"

sisigaw pa dapat ako nang makita kong si mama yung nanghablot nang phone ko.

"DIBA INUUTUSAN KITA?! ANO BANG NAPAPALA MO SA WATTPAD HA?! BAKIT?! PINAPATAAS BA NYAN YUNG GRADES MO HA?! EH ANG BOBO-BOBO MO NGA EHH!! TAPOS NAGBABASA KA PA NYAN!! TATANGA-TANGA KA NA NGA EHH!! LAHAT NA NANG KATANGAHAN SA BUHAY SINALO MO NA!! BUMILI KA NA DUN!!"

Sigaw sakin ni mama.

Nakayuko akong lumabas nang bahay.

Ganyan si mama pagnagalit. Lahat nang masasakit na salita nasasabi nya sakin. Alam ko namang tanga ako at bobo. Pero di nya na kelangang ipagkalandakan sa harap ko.

Pinahid ko yung luha ko na tumulo na pala sa pisngi ko. Ikaw ba naman sabihan nang ganung mga salita nang ina mo di ka ba manliliit?

Laging ganyan sakin si mama. Siguro nga totoong ampon lang ako. Tinutukso kase nila ako dati na ampon lang daw ako. Pero joke lang daw yun. Pero feeling ko. TOTOO.

Ngumiti nalang ako ng mapait at huminga nang malalim

'Relax Precious. For sure nadala lang nang galit yung mama mo. Di ka ampon. Masyado ka lang madrama.'

sabi ko sa isip ko.

Pagkatapos kong bumili. Naligo nako at sakto naman na pagkatapos kong maligo ay luto na yung pagkain.

Kumpleto kaming kumakain sa lamesa habang nagkekwentuhan sila.

"Hay nako Love, yang panganay mo. Sabisabihan mo yan! Puro cellphone ang inaatupag! Ang bababa nang grades nyan! Wala pang silbi sa bahay!"

sumbong ni mama kay papa.

WALANG SILBI?! OH COME ON!!

AKO ANG NAGLILINIS NANG BAHAY!! PAG INUTUSAN NILA AKONG MAGLABA O MAGHUGAS NANG PLATO GINAGAWA KO NAMAN!! ANG HINDI KO LANG NAMAN KAYANG GAWIN AY ANG PAGLULUTO DAHIL DI AKO MARUNONG MAGBUKAS NANG KALAN KASE TAKOT AKO!! TAPOS WALA AKONG SILBI?! FUCK!!

"Precious!! Tumino ka nga!! Ang tanda-tanda mo na! Puro asa ka parin sa mama mo!! Tigil-tigilan mo yang cellphone!! Naka salamin ka na nga! Ang taas-taas nang grado nang mata mo tapos nakukuha mo pang magcellphone!! Ibebenta ko na talaga sa susunod yang cellphone mo!!"

sermon sakin ni papa. Oo naka eyeglasses ako. Pero. I'm a highschool student! Bata pa ako! Hindi maaalis sakin ang cellphone.

"Papa. Pupunta nga pala ako sa Dolmar. May project lang kaming gagawin"

paalam ko kay papa.

"HINDE! Dito ka lang sa bahay!"

What?!

Bakit ba ganito sila kahigpit!! Sabi nila sakin pag highschool nako saka na nila ako papayagang maggawa nang projects sa ibang bahay!!

I'm a highschool student!! I also want to have fun habang bata pa ako!! Gusto kong maranasang maging free!!

Grabe!! Dolmar lang yun!! Walking distance mula sa bahay namin!! Sobrang higpit nila😭. Ang sarap maglayas!!

Hindi nako kumibo at umakyat nalang sa kwarto. I really hate Saturdays & Sundays. Lagi kaseng ganito ang eksena sa bahay.

Inaantok ako. Matutulog muna ako.

MINSAN. ANG SARAP TALAGA. NA MAGPAHINGA NALANG.

Zzzzzzzzz.....

*****

Camille's POV.

Saturday. Pupunta ako sa Fairview Terraces. Makapag shopping muna. Ang boring kase sa bahay.

Namili ako nang T-shirt, pants at mga gagamitin ko sa school. Tulad nang bond papers, colored papers at ballpens. And syempre mga pandesigns.

Pagkatapos. Kumain muna ako sa J.CO.    Kumakain nako nang may kumalabit sakin. Kaya napalingon ako.

"Uy Tiff!"

Woah! Akalain nyo yun! Andito pala si Tiffany😂.

"Ikaw lang mag-isa?"

Tumango naman ako. Nakita kong tinawag na nang parents nya si Tiffany kaya nagpaalam na sya sakin.

Tss. Ako nanaman mag-isa. Lagi naman ehh! Sanay nakong maiwan. NANG MAG-ISA. Yung tipong namomroblema ka at kelangan mo nang kausap. Saka naman walang taong may time para kausapin ka?!

Haaaay..

Pumunta na kase nang ibang bansa si mama. Si papa naman. Hindi ko alam dun! Bigla nalang syang nawala! Kaya kaming dalawa nalang ni Ate yung nagtataguyod. Pinapadalahan naman kami ni mama. Pero syempre kelangan rin naming gumawa nang sariling pera. Ang hirap. Oo mahirap. Kase si ate lang yung nagtatrabaho. Gusto ko syang tulungan.. kaso. Ano nga bang magagawa nang 1st year highschool student? Ano? Manghoholdap ako?! Magnanakaw?! O magpoprostitute?! Napaka tanga ko nalang pag ginawa ko yun! Kahit na hirap na kami sa buhay. Hinding-hindi ko gagawin yun. Andyan naman si Lord. Hindi nya kami pababayaan.

Napapabuntong-hininga nalang ako sa tuwing maiisip ko yung nangyari sa pamilya namin. May pamilya pa ba kami sa lagay nato?! Hmmm.... nakkapagod nang mag-isip. Kung pwede ko lang tawagan si Precious para papuntahin dito. Kaso. Hindi naman sya papayagan.

HIGH SCHOOL LIFE💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon