Pag-ibig sa Hindi Inaasahang Pagkakataon

1.1K 5 0
                                    

Nang una kang matanaw...
Di ka man lang, tumatak sa aking balintataw...
Panahon ay unti-unting nagbago
Tulad nang unti-unting pag-usbong ng damdamin ko sa iyo

Mga ngiti mong kay tamis
Sa puso't diwa ko'y hindi na maalis
Ikaw ang dahilan nang malalim kong pag-iisip
Sa mga gabing hindi makaidlip

Kapag hindi ka pa nasisilayan
Inip na inip na ang aking katauhan
Ikaw ang dahilan ng ngiti sa labi ko
At sa mabilis na pagpintig ng puso ko

Minsan nanaginip akong malayang lumilipad
At sa iyong piling ako'y napadpad
Mga pangarap kong imposibleng matupad...
Doo'y unti-unting naganap...

Maria Elisse Segunda Katigbak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Maria Elisse Segunda Katigbak

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon