Kalungkutan

232 2 1
                                    

Kalungkutan ang bumabalot sa aking buong katauhan...
Nagtatanong sa sarili "nasaan na ang kasiyahan, na minsang aking naramdaman?
Tila bulang naglaho, buhat sa aking katauhan...
Nais ko pa bang maging masaya o kuntento na sa ganitong pakiramdam?
Kay hirap maging masaya dahil alam mong ang kasunod nito'y kalungkutan...
Kalungkutang magdudulot sa iyo ng unti- unting pagpatak ng iyong mga luha...
Kirot, hapdi buhat sa iyong kalooban...
Negatibong desisyon ang nais mong pakawalan...
Negatibong desisyon na nililikha ng iyong nagdaramdam na kaisipan...
Na alam kong pag aking binitawan, tunay na aking pagsisihan...
Kaya't mas minamabuti munang namnamin na lang ang katahimikan...
Upang kahit paano, kumalma ang buong katauhan...

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon