Walang Nagbago

163 1 0
                                    

Walang pagbabago Mahal ko
Nandun pa rin ang damdamin ko
Yung damdamin na palaging laman, ng mga tula ko para sa iyo.

Kay tagal na nung huling tula ko
Marahil napagod ang isip ko
At walang likha na mabuo
Ngunit sa kabila noon, tila pursigido ang puso ko

Tumigil man ako sa pagtula
Ikaw pa rin ang dahilan,
nang madalas na pagkatulala
Walang araw na di ka tumakbo sa aking isipan.

Nais kong masilayan muli
Ang pagsilay ng iyong ngiti
Na sa akin ay magbibigay lakas
Na patuloy na kumatha.

Kumatha ng bulong ng isipan
Kumatha ng bulong ng kalooban
Kumatha ng isinisigaw ng puso kong ito na walang laman kundi ikaw lamang.

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon