"Maling Akala"

153 2 0
                                    

Naalala ko yung dating ako...
Yung halos sanay na sa kung ano ang sitwasyon ko...
Yung sanay na sa kung anong kulay mayroon lang ang mundo ko...
Yung buhay kong nakatuon lang sa mga bagay na dapat kong tapusin, gampanan sa buong maghapon...
Sanay sa paulit-ulit na kalakaran ng aking buhay....
Walang pagbabago...
Hanggang sa mapansin ko ang isang IKAW...
Na akala ko'y wala lang, at naisip ko na baka paghanga lang...
Hanggang sa...ang buong katauhan ko'y nahulog na sa pag-ibig sa iyo...
Lumipas na ang mga araw, buwan at taon, ngunit hanggang ngayon Ikaw pa rin ang laman ng puso't isipan...
Madalas ka pa rin hanapin ng aking katauhan...
Nakakaramdam ng lungkot pag di ka nasisilayan...
Nakakaramdam ng kasiyahan pag ikaw ay nagdadaan...
Nahihiya, kinakabahan at natutulala pag hindi sinasadyang nakita ka nang malapitan... At upang maalis ang abot-abot na kaba, nagkukunwaring hindi ka nasilayan...
Kay tagal nang panahon pero tulad ng dati jologs pa rin ako dahil sa pagmamahal ko sa iyo...
Minsan akala ko nalimot na kita, at kaya ko ng umarangkadang wala ka, handa na sa pagbabagong buhay na aking tatahakin at nasabi sa sarili ko salamat at namulat na ako...
Pero bakit ganun lumipas ang ilang araw na di na kita muling nasilayan at akala ko ako'y unti-unti nang nasasanay...
Pero habang patagal nang patagal bigla akong nakaramdam ng kalungkutan...
Ano ba...? Bakit ba...? Kaya ko pa ba...? Hanggang paggising ko isang araw ba't ganun...? Lalo lang kitang minahal...!

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon