Naghihirap na Damdamin😭

248 1 0
                                    

Kay hirap magpanggap na hindi kita pansin...
Kay hirap tumingin ng tuwid, at magkunwaring hindi ka nahagip ng aking paningin...
Kapalit ng pagkukunwari ay ang
kalungkutan bumabalot sa akin...
Na siyang unti-unting nagpapahirap sa aking damdamin...
Nais kong ipakita sa iyo na malakas ako...
Na kaya kitang limutin
At pilit na isinasaisip na ang tulad mo'y di ko na dapat ibigin...
At dahil sa sakit na nadarama
hiniling ko na magmahal ka na ng iba at tuluyan ng lumigaya...
Ngunit sa tuwing nakikita kita
yung inaakala kong malakas na ako, sa totoo lang ay mahina pala...
Paano ko ba lilimutin yung taong inspirasyon ko?
Paano ko ba lilimutin yung taong dahilan ng kaligayahan ko?
Paano ko ba lilimutin yung taong
laman ng puso't isipan...?
Sa bawat pag-iwas...
Sa bawat paghakbang ko palayo sa iyo...
Kapalit sangkatutak na sakit...

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon