Hindi Ko Pala Kaya

474 1 0
                                    

Kay lakas ng loob ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kay lakas ng loob ko...
Noong sabihin kong sana makakita
ka ng iba...
Dahil alam ko sa sarili ko,
na ang isang tulad ko ay hindi nararapat sa iyo...
Dahil sa isip ko ang nais ko ika'y lumigaya...
Dahil pakiramdam ko hindi kita mapasasaya...
Kay sakit pala nang buhat sa iyo
ay umayon ka sa nais ko...
Hindi ko pala kayang isipin
na IKAW ay mapupunta sa piling ng iba...
Ang puso ko ay tila binabayo..
Ang puso ko ay tila dahan dahan pinipiga...
Tila nais ko nang maglaho na parang bula...
May hangin naman pero tila hindi ako makahinga...
Walang tigil sa pagbalong ang mumunting perlas na kanina ko pang pinipigilan...
Ang tanging nais ko lang naman ay ang mahalin KA...
Ang lumigaya sa piling MO...
Ang maging akin KA...
At AKO para sa IYO lang...
Ngunit paano...?
Paano...?
Paano..?
Wala akong magawa kundi ang lumuha... Lumuha...Lumuha...

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon