Sobrang Miss Kita...

418 1 0
                                    

Ikaw ang laman ng isip ko
Halos hindi mapakali ang isip kong tuliro...
Bakit hindi ko maramdaman ang presensya mo...
Kaya utak ko ngayo'y gulong-gulo
Gusto ko tuloy ipagsigawan sa mundo
ang buong pangalan mo...
Gusto kong lumipad at sa piling mo ay magtungo...
Iba -iba na ang pumapasok sa isip ko
mga katanungang tulad nito
Maaari kayang ang isang tulad ko
ay nalimot na at ang mga mata mo,
ay nakatanaw na sa iba...
Naiisip ko palang ako'y tila nanlalambot na...
Ngunit sino ba ako sa iyo?
Hindi ko naman hawak ang puso't isip mo...

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon