Nagmamay-ari ng Puso't Isip

533 1 0
                                    

Hawak mo ang puso't isip ko
Pagkat takot ang nadarama
Sa sandaling magkamali sa bawat pagkilos ko...
Takot na baka masaktan ko,
Ang taong laman ng puso't isipan ko...
Tinanggal ko ang dating ako
Na malayang nakakakilos
Sa anumang bagay na naisin nito...
Ikinulong ko ang sarili ko,
Sa mundong alam kong ninanais mo
Pagkat ang nais ko, maramdaman mo
Na ako  ay tanging para lang sa iyo...
Ngunit kahit anong gawin ko
Patuloy pa ring isinasampal sa aking mukha...
Ang katotohanang kailanman ako'y hindi magiging iyo...
at ikaw, kailanman ay hindi magiging akin...
Ngunit ang tanging alam ko...
Sa mundong nilikha ko
Tanging IKAW lang ang nagmamay-ari ng puso't isip ko...

Sa mundong nilikha koTanging IKAW lang ang nagmamay-ari ng puso't isip ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon