Sumisilay kahit Pigilan...🤔

223 1 0
                                    

Sa aking paglalakbay
Baon ko'y ngiti mong nakasilay
Na sa akin ay patuloy na nagbibigay kulay...
Inspirasyon ko sa tinatahak kong buhay...

Tila hindi ko kaya ang limutin kita...
Pagkat sa bawat sandali, ikaw ang nais makita...
Ikaw ang palaging ibinubulong ng puso't isipan...
Tunay na napakahirap na ang puso'y diktahan...

Walang araw na hindi ka nawaglit sa isipan...
Kahit pa nga nagtatampo't nagdaramdam...
Marahil ganun talaga pag ika'y nagmamahal...
Patuloy na dadaloy ang pag-ibig na parang bukal...

Tula Para Sa Mga Hopeless RomanticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon