CHAPTER 1 LIEZEL MONTEVERDE

56 2 0
                                    

CHAPTER 1  LIEZEL MONTEVERDE

Liezel Point of View

Tok! Tok! Tok!  (tunog ng malilit na bato tumatama sa may bintana)

May bumabato sa may bintana ko, keber ko ba, wala akong pakialam, hindi dahil sa tamad akong kumilos, pero dahil masama pa rin ang loob ko at gusto ko magmukmok sa isang tabi. Ilang araw na rin akong nakakulong sa bahay na ito. Nakakalabas lang ako kapag papasok sa eskwelahan pero may mga bantay pa rin na umaaligid sa akin. Daig ko pa ang anak ng presidente kapag kasabay yung mga naka black suit bodyguard kuno na nagbabantay sa akin.

Tok! Tok! Tok!  (tunog pa rin ng maliit na bato na tumatama sa salaming ng bintana ni Liezel)

Lintik na mga siraulo ito, bakit ngayon pa nila naisipang magtrip! Sana mahuli kayo ng mga nagrorondang mga security guard sa may village na ito.

Sombrang sama ng loob ko, dahil grounded ako, ayaw na ayaw nila mommy na makipagkita pa ako sa boyfriend kong si Tyler, pero mahal na mahal ko si Tyler.  

Pinagbabawalan nila ako dahil masyado pa daw kaming bata para malaman ang tunay na pag-ibig nasasabi ko lang daw ito dahil siya ang first boyfriend ko. 15 years old lang kami ni Tlyler, pero alam ko mahal ako ni Tyler. Bakit hindi nila ako maintindihan.

Tok! Tok! Tok!  Shit hanggang ngayon ba naman hindi pa rin ako tinitigilan ng nagtitrip na ito? 

Mabilis akong tumayo sa aking higaan at sumilip sa may bintana para sigawan sana yung taong patuloy na bumabato, baka mamaya mabasag pa itong bintana ko at mapagalitan pa ulit ako ni daddy.

“Liezel please wake up”  may mahina akong boses na narinig kaya inangat ko ang salamin ng aking bintana at sumilip sa ibaba.

“Shit” bigla ako napaiwas   

PLOK! (tunog ng bato na tumama sa aking nuo)

“Aray!” agad akong napahawak sa akin nuo.

“Jeezzz Liezel sorry talaga, hindi ko sinasadya” agad na bulong nya.

Muli akong sumilip sa labas, kilala ko ang boses na iyon kahit pa pabulong ang salita.

“Tyler ano ginagawa mo dito?” hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na yun gulat at may halong takot ang aking boses ng makita ko siya. Pero sa kabilang banda masaya dahil muli ko siyang nakita. Ang gwapo talaga nya. 

“I miss and love you Liezel” mahina nyang bigkas, ingat na ingat siya dahil baka mahuli siya nila daddy at kuya.

“I love you too Tyler” halos mangiyak ngiyak kong bigkas sa kanya, nasasabik ako na mayakap siya, ilang araw na rin nung huli kaming nagkita.

Takot na takot ako nuon dahil nahuli kami nila Kuya na naghahalikan sa may bakuran, agad nila sinugod ng suntok si Tyler, nalaman ito ni daddy kaya ako grounded ngayon.

“Liezel sumama ka na lang sa akin” pagaaya nya sa akin.

“Pero saan tayo pupunta?” nagtataka naman ako sa kanya, baka mamaya mahuli pa kami nila daddy.

“Sa malayong lugar kung saan walang makikialam sa atin”

“Tyler inaaya mo ba ako makipagtanan sa iyo?” may idea na ako sa gusto nya iparating pero gusto ko makasigurado.

FIXING A BROKEN HEART - ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon