Treat me beneath this clear night sky And will lie with you I start to feel those butterflies When I'm next to you.
Vice's POV
Nagising ako sa loob na naman ng puting kwarto sa ospital. Napa buntong hininga ako. Ang sarap na namang takasan ng mga taong nag ba bantay sa akin. Pero may kakaiba akong naramdaman may mainit na palad na nakasiklop sa aking kaliwang kamay. (Intertwined po yun) napatingin ako. Sino kaya sya? Bakit nya hawak ang mga kamay ko? Kulot ang buhok nya. At alam ko na maganda sya dahil kalhati lang ng bahagi ng kanyang mukha ang aking nakikita. Parang may libo libong paru paru sa loob ng aking tyan. Hindi ko maintindihan. Bakit? Bakit ko nararamdaman to? Sino ba talaga sya?
Unti unti syang gumalaw pag katapos dahan dahan nyang ibinukas ang kanyang mga mata.
"Vice!!" Tawag nya bigla sa pangalan ko. Napakunot noo ako. Kilala nya ako?
"Sino ka?" Tanong ko. Hindi ko alam kung na mamalikmata ako o guni guni ko lang na parang nasasaktan sya sa tanong ko. Hindi ko talaga sya kilala.
Napatingin ako sa mga kamay namin na mag kahawak. Binawi ko ang mga kamay ko. Kumunot ang noo ko dahil bigla na lang syang umiyak.
"Miss.. Sino kaba? Nurse ba kita? Pwede ba na lumabas kana.. gusto ko kasing mapag isa sa kwartong to..ayoko na may kasama ako! At saka bakit kaba umiiyak?"
Nakita ko na mas na luha sya sa mga sinabi ko. Para saan tong nararamdaman kung guilt? Bakit para akong nasasaktan habang nakikita syang umiiyak? Eh hindi ko nga sya kilala.
Bigla akong nairita sa sarili ko. Hinilot ko ang sintido ko dahil sumasakit na naman ang ulo ko. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata.
"Vice" sambit nya muli. Parang madalas kung marinig ang boses na yun. Pero hindi ko maalala.
Naiinis na ako dahil masakit ang ulo ko.
"PWEDE BA!! SABI KO IWANAN MO AKO!!" Bigla ko na lang naisigaw sa kanya dahil sa sakit ng ulo na nararamdaman ko.
Nilingon ko sya at nag tataas baba ang balikat nya. Kagat nya ang labi nya na parang pinipigilang umiyak ng malakas. Na guilty ako kaagad at nasaktan sa nakikita ko sa kanya. Bakit?
Parang gusto ko tuloy syang yakapin. At gusto ko syang aluin. Pero bigla syang tumayo.
"I'm sorry" mahina nyang bulong. "Babalik ako kapag okay kana" ngumiti sya ng pilit na parang nasasaktan. Nag lakad sya papalabas at tuluyang nawala sa paningin ko. Gusto ko syang pigilan pero hindi ko magawa. Gusto kung humingi ng tawad sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko talaga sya kilala.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
General POV
Pagkalabas ni Karylle ng kwarto ni Vice napaupo sya sa pinaka malapit na bench doon. At umiyak ng malakas. Nakita sya ni Anne at tumabi ito sa kanya at niyakap sya.
"Ssshhh tahan na" bulong ni Anne. (AnneRylle)
"Ganito pala kasakit yun Anne. Yung kahit pangalan ko hindi nya maalala. Kaya pala ayaw nyang sabihin sa akin na may sakit sya.." humagulhul pa si Karylle. "Bakit ganun? Ang unfair.. bakit kailangan na sya pa?"
"Tama na Karylle"
"Pero hindi ko sya iiwan .. kasi alam ko na mas matagal syang nag titiis kesa sa akin.. bale wala to sa lahat ng sakit na naramdam nya..I won't leave him dahil sa may sakit"
Ngumiti lang si Anne sa sinabi nya at inakap sya.
"He deserves you.."
Tumango lang si Karylle sa sinabi ng kaibigan.
..
.
.
BINABASA MO ANG
I'd Still Say YES
Fanfiction"Meeting and Loving you was not a mistake... It would more likely a blessing from heaven and God.. cause he find his way for Us.. loving you was greatest thing in my life. If loving you was a sin I would die a million times to revied my life just t...
