PAGLIMOT
Kapwa pinaglihi sa ampalaya
Paniniwala mangyari'y iisa
Pagtatagpo ng dal'wang kaluluwa,
Nagkataon lang nga ba o sadya?
Pagsibol nitong damdamin, sumpa ba?
Di dapat ikalungkot bagkus ikasiya?
Malamang tayo'y may pagkakatulad
Tulong ba nang tayong dal'wa'y umusad?
Isiping gumulo sa isipan
Noo'y kumunot, waring nahihibang
Ideyang nagbalik sa nakaraan
Hahangarin bang muling masaktan?
Damdamin kailangan supilin
Hindi maaari, dapat pigilin
Sakit ng kahapon 'di uulitin
Basag na puso; ayaw nang sapitin.
BINABASA MO ANG
Novice Thoughts
RandomWords swarming inside my head and can't be said, swims through my veins and get stuck on my finger tips - waiting to be written down. [LANGUAGES USED: English, Filipino and Bikol.] All poems written in this collection are CERTIFIED ORIGINALLY MADE a...