Pagbawi
Mundo'y nayanig sa pagkakamaling 'di sadya,
Prestihiyosong patimpalak ng talino't ganda.
Sansinukob ang siyang naging dilat na saksi,
Hubad na kaganapang gumimbal sa marami.
Tatlong kumikinang sa kagandahang mga dilag,
Representante ng Abang kanilang mga bansa.
Tanong at sagot -- nalagpasan ng buong habag,
Sa tinubuang-lupa, lubos na galak -- dala.
Sandaling hinihintay ay sa wakas lumapit,
Puting lahi siya ang unang nasyong sinambit.
Dalawang kay gandang anghel mga kamay nagkapit,
Hindi inaasahang pangyayaring sinapit.
Sa labi ng ginagalang na Ginoo namutawi,
Ngalan ng nasyong aniya ay siyang nagwagi.
Kalahi ay natigilan, ang ila'y nagpunyagi,
Bakit ang modelo at hindi ang kayumanggi?
Korona ay inari ng kaparehong nasyon,
Walang pagsidlang saya; kanya ang titulo ng taon.
Walang permanenteng bagay -- napatunayan
Nang si Ginoo'y sumulpot, umamin sa sambayanan.
Kagalakan ng isa ay tuluyang napawi,
Nang nagwika si Ginoo't sinabi, "I'M SORRY!"
Nababatid kong mahirap ang kanyang sinabi,
Sa buong mundo ay siyang nagpakalalaki.
Koronang inaasam nilipat sa kayumanggi,
Mga kababayan naman ang siyang nagpunyagi.
Nararapat na dalaga ang siyang nag-ari,
Ngiti'y 'di nawaglit, gulat man sa pangyayari.
Laban ng ganda't talino naging kontrobers'ya,
Maling anunsyong hindi sadya ang naging bunga.
Mga susunod na kaganapan inaabangan,
Kung ang mga sangkot ba s'yang magkakapatawaran.
BINABASA MO ANG
Novice Thoughts
De TodoWords swarming inside my head and can't be said, swims through my veins and get stuck on my finger tips - waiting to be written down. [LANGUAGES USED: English, Filipino and Bikol.] All poems written in this collection are CERTIFIED ORIGINALLY MADE a...