THIRTY: Kakayanin

25 1 0
                                    

Kakayanin

Pagpasok ng Taong Bago sa kalendaryo,
Siyang paglipana --- pangako ng pagbabago.
Ako'y napaisip, kalauna napagtanto man din,
Ugali't ilang gawi akin ba'y kailangan baguhin?

Di naman sa nakikiuso ang inyong Abang lingkod,
Sadyang pagkakaroon ng ugaling bulok --- nakakapagod.
Subalit kapag pulos dada't puno ng pasubali,
Kung 'di susubukan walang mangyayari.

Kaya't sarili'y kinuwest'yon,
"Ano nga ba iyon?"
Pagbabagong nais ihayag,
Hayaan munting kwento ang magbunyag.

Pangal'wang taon na sa kolehiyo,
Sa kursong inakalang kaya ko.
Bagaman batid na walang madaling kurso,
Di mapigilan sarili ulanin ng reklamo.

Mahina ang loob, 'yan ang aking problema,
Hindi mawari bakit sa sarili'y kulang ang tiwala.
Kapagka nauulinigan paraan ng kanilang pananalita,
Hamon ng aming departamento --- ako'y nanghihina.

Pagsuko nakailang beses naisip,
Ngunit sa t'wing sumasagi, banayad na hangin humihihip.
Dala nito nakangiting mukha ng aking Inang butihin,
Maging nakatatandang kapatid na sa ibang bansa'y nagpapaalipin.

Marupok na kalooban tumitibay,
Naalala pag-susumikap kanino alay.
Kay Ina't kapatid na nagpapakahirap ng tunay,
Upang ako'y mapagtapos s'yang guminhawa ang buhay.

Singbagal man ng kuhol bago maisakatuparan,
Subalit mahinang kalooban kailangan tabunan.
Hindi na nararapat; ito'y dapat palitan,
Kinakailangang subukan nang 'di mapag-iwanan.

***
(Entry for the Likhang Tula Contest II with the theme "Tula ng Pagbabago" (Malayang Taludturan) in The Critique Society Book Club)
01/23/16
All Rights Reserved. 2016 © CeresDilemma

Novice ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon