THIRTY-ONE: Kaya Pala

15 0 0
                                    

KAYA PALA

Papalapit na naman nga pala,
Araw na iniiwasan sinta.
Natatandaan mo pa nga kaya?
Sandaling sinabi, 'Paalam na!'

Singlinaw ng ilog sa bukirin,
Kaganapang ayaw ng ulitin.
Waring sirang parol na binitin,
Hapdi't kirot, iniwan sa akin.

Isang-libong ulit mang itanong,
Sagot mas mabagal pa sa pagong.
Tanging hinihiling lamang naman,
Dahilang hindi ko masumpungan.

Katotohanang 'di mahapuhap,
Sa iyong kaibigan nahanap.
Kasagutan kapalit ay saklap,
Bisperas ng Pasko ko nalasap.

Pagsinta pala sa'kin napawi,
Naglaho na ang iyong pagtangi.
Sa kanyang labi s'yang namutawi,
Iyong puso, iba nang may-ari.


***
[An entry for The Critique Society Book Club, Likhang Tula Contest]
(Third placer with two special awards; Sponsor's Choice & Admins' Choice)
All Rights Reserved. 2015 © CeresDilemma

Novice ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon