Ukay- ukay

1.7K 12 0
                                    

Hindi ko talaga matandaan ang mga nangyari noon dahil bata pa ako pero dahil plano kong magsulat ng mga scary stories ay pina kwento ko ulit ito sa isa sa mga kasambahay naming na matagal ng nag seserbisyo sa amin.

Ang mga sumusunod ay hango sa totoong buhay. . .

KNK//Entry # 1

Ang kwentong ito ay nangyari mga 6-7 years ago. Grade 3 ako noon. Minsan akong sinama ng aking mama para puntahan ang kaibigan niyang may ino- ofer na ukay- ukay. Sabi ng kaibigan ni mama ay imported ang mga ito at bago pa kaya na enganyo si mama na bumili dahil mura din ito. First time niya na bumili ng gamit sa bahay naming na second hand kumbaga. Marami siyang mga pinamili. Mga comforter, bed sheets, kumot, pati mga kurtina.

Mga 1 week na naming ginagamit ang mga yun nang may napansin na silang kakaiba sa bahay namin.

Ang unang nakapansin ay ang kasambahay naming na ipapakilala ko na lang sa pangalang Jane. Isang gabi daw kasi ay nanaginip siya. May lalaking nakaputi daw ang suot na parang barong na palaging nakasunod sa mama ko kahit saan ito magpunta. Nilihim niya muna saamin ang tungkol sa panaginip niya hanggang si mama na mismo ang naka experience.

Palagi na lang daw may weird feeling si mama na parang may nagmamasid sa kanya mula sa malayo. Hindi talaga siya mapakali. Isang araw habang nasa school siya (teacher kasi siya) ay bigla na lang daw may nag usog ng upuan sa loob ng classroom niya. Laking pagtataka niya dahil lunch break naman noon at ala una pa nang hapon bumabalik ang mga estudyante niya. Simula na siyang kinabahan nun. Buti na lang ay may dumaan na co teacher niya kaya nagpasama muna siya ditto hanggang sa may dumationg nang estudyante niya. Nagpasundo rin siya sa papa ko nung hapon na yun dahil hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari nung lunch break.

Isa pang experience ni mama ay nung nilabhan niya ang isa sa mga kumot. Bumaba siya ng kusina at nagpunta sa likod ng bahay naming para magsampay ng labahan. Bigla na lang daw na may dumaan sa likuran niya na anino. Sa sobrang takot niya at napasigaw na lang lang siya. Doon na nagsimula ang lahat.

Hindi rin ako pinalampas nung nagpaparamdam sa bahay namin.

Gabi iyon at kaming tatlong magkakapatid lang at dalawang katulong (ang isa ay si Jane at ang nakatatanda na si Trudis) ang naiwan sa bahay. May pinuntahan kasi na lamay noon ang parents namin.  Mag- isa akong naliligo sa banyo ng mapansin kong isang twalya lang pala ang nadala ko. Wala pala akong pambalot sa basang buhok ko mamaya dahil ang isang twalya ay gagamitin kong pampatuyo ng katawan ko. Nasa kalagitnaan pa lang ako nun ng pagliligo at nagsasabon pa lang ako ng katawan ko. Bata pa naman ako noon kaya hinahayaan kong nakabukas lang ang pintuan ng banyo kasi natatakot ako. Nasa sala lang naman ang dalawang kapatid ko at ang mga kasambahay namin, nanonood ng TV.

Nagsasabon ako nun ng legs ko kaya nakayuko ako sakto naman na may dumaan na shadow papunta sa kubeta banda (nahahati ang cr naming sa dalawa, paliguan at yung may indoor at may divider lang na pumapagitna sa dalawa). Buong pag- aakala ko ay isa sa mga katulong namin yun at mag- ccr lang kaya tinawag ko sinabihan kong dalhan niya ako ng extra towel. Nabanlawan ko na lahat ng katawan ko pero hindi parin nakarating ang extrang twalya na pinapadala ko. Kaya sumigaw na ako dahil nilalamig na ako.

Nasa banyo parin ako nun. Nakadungaw lang ako sa pinto dahil basa nga ang buhok ko at baka tumulo sa sahig, madulas pa ang dadaan sakali. Nagalit si ate Trudis dahil sumisigaw daw ako. Kasalukuyan niyang kasing pinapatulog ang kapatid ko na 2 years old pa lang at baka magising ito. Nasa sala pa niyan siya. Tinanong ko naman kung saan na ang twalya na hinihingi ko kanina pa nung may nag cr na isa sa kanila. Nagtaka talaga siya dahil wala naman daw akong sinasabi na magpapadala ako ng twalya kahit si ate Jane ay wala ding narinig at ang shocking ay wala daw may nag cr sa kanila nung ako ay naliligo sa banyo.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Noon lang na absorb ng utak ko ang nagyari. Na wala palang iba gumamit ng cr kungdi ako lang na naliligo doon. Napatingin ako sa kabilang direksyon. Wala ngang tao. Dahil natakot ako ay nag panic ako. Dali dali akong lumabas ng banyo kahit tumutulo ang tubig mula sa buhok ko. Pinalampas ko na lang ang nangyari nay un at sa tuwing mag c-cr ako ay nagpapasama na ako sa isa sa aming katulong.

Isang gabi ay naarinig kong nag uusap sina papa at mama. Mag- oobserba pa raw sila ng higit pa tungkol sa mga kakaibang nangyayari sa loob ng bahay namin. Halos lahat na kasi kami ay naka experience na maliban na lang kay papa. Hindi talaga kasi siya naniniwala sa mga ganyan dahil nga galling kami sa isang Christian na family. Kailangan pa daw ng sapat na katibayan para malaman na you know. . .minumulto nga pala kami sa bahay.

Dumating ang kagimbal gimbal na araw. . .

Hapon noon. Tulog kami sa kanya kanya naming kwarto ng aking mga kapatid at si mama naman ay nasa sofa na sa sala na nakatulog dahil kakatapos lang niya manood ng Wowowee. (TV show ni Willie Rivillame noon). Ang kasambahay lang naming ang gising noon dahil nasa baba siya ng bahay naming at nambabalat ng mani.

Nung nakatapos na raw siya bumalat ay nagtapon siya ng basura at aakyat na sana ng bahay naming ng napansin niyang nililipad ng hangin ang kurtina sa sala kung saan natutulog si mama. Nanlaki daw ang mata niya sa nakita niya dahil nung huminto sa paglipad ang kurtina ay may binalot ito na kung ano hanggang sa may lumitaw na pigura ng isang matangkad na lalaki. Natulala lang siya dun sa pigura pero ng umihip ulit ang malakas na hangin at nilipad ang kurtina at kasabay nun ay nawala na rin ang pigura ng lalaki na binalot ng kurtina. Dali dali siyang umakyat nun sa bahay at ginising si mama.

Nung gabi din na yun ay pinatawag ni papa ang family friend namin na pastor. Nung pumasok daw siya sa bahay naming ay ramdam na niya ang negative energy. Nilibot niya ang buong bahay at dinasalan sabay wisik ng parang langis (wwan ko kung ano ang tawag nun) sa lahat ng sulok nito pati na rin sa mga bintana, pintuan particularly kung saan nilagay ang mga ukay- ukay na pinamili ni mama.

Kinuha ang lahat ng mga pinamiling ukay ukay at nilagay sa isang malaking sako at binuhusan ng maraming langis (yung winiwisik kanina). Sinunog din ito pagkatapos para hindi na magamit at maulit muli ang mga nangyari.

Mula nung gabing yun ay nawala na ang lahat na nagpaparamdam sa bahay namin.

-FIN -

 

3:35 pm 10-28-13

Mga Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon