In connection sa the 26th Day na story. Basahin kung hindi pa nababasa.
Chika lang to sakin ni Majoy nung nagkita kita kaming magkaklase last June 4.
Sino nakaalala kay Majoy? Yung nakakita kay Isay?
Ok. Sisimulan ko na.
Nag su- summer classes si Majoy sa UP Visayas (Miag- ao) kasama ang iba pa naming mga kaklase na mga Isko at Iska. Minsan daw ay naikwento ng kanyang room mate sa dorm ang history ng University of the Philippines- Visayas.
Ang lupang kinatitirikan daw ng UP Visayas sa Miag ao, Iloilo ay pag aari ng mga natives ng lugar. A hundred years ago, gumawa daw ng mga kasunduan ang mga natives (more than a truce dahil pinag aagawan ang lugar) na papaubaya lang muna nila ang lupa at ibalik na lang 100 years later or else—-may kukunin sila. At hanggat' hindi maibabalik ang lupa ay may kukunin silang kaluluwa EVERY YEAR.
Noong UP week sa story, dun daw nag 100 years something ang paaralan (not sure) at dapat magaganap ang pagbalik ng lupa sa mga natives kaso hindi ulit tumupad sa usapan.
Kaya dun may kinuha ulit sila.
Ang buhay ni Isay.
Naaksidente siya around 12MN at namatay.