Random

552 9 4
                                    

Originally posted on my FB

[SCARY EXPERIENCE] Almost midnight kagabi, nagbabasa pa ako ng story sa phone ko kasi hindi na ulit ako makatulog (dahil sa tumawag na Hudas na iyon at nabwisit ako) nang biglang may nag sound na 'EEEEEK' as in napakalakas na sound. (Kung malakas, malayo. Mahina naman kung malapit.) Nung narinig ko yun, shet! 'PARATING NA YUN!' saisip ko kaya automatically binaba ko ang phone ko at tinakpan ang screen gamit ang palad ko para itago ang brightness. Grabeh ang tibok ng puso ko, para akong tumakbo sa oval ng tatlong beses na walang hinto hinto. I stayed motionless at ang naririnig ko lang talaga ay tibok ng puso ko.

Seconds later, nagsimulang tumahol ang mga aso sa labas ng bahay (including our neighbor's kaya ibig sabihin nasa paligid lang 'yun') Ang creepy talaga at may nag howl pa nga kaya sa sobrang kaba, siniksik ko ang sarili ko sa mga unan ko.

Tumigil naman sa pagtahol ang mga aso after a minute or two so that means nakalayo na 'yun'. Siguro dumaan lang.

I stayed under my pillows for about 5 minutes pa yata. Pinagpawisan pa nga ako ng malamig dahil sa kaba plus nang dahil sa hindi ako nag e-electric fan (Para ka na rin kasing naka aircon sa lamig tuwing gabi kung sa province ka) Nung kumalma na ako at feeling ko safe na lumabas, sige basa ulit. XD

No one can stop me from reading. BWAHAHAHA

Mga Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon