KNK//Entry # 4
ONE SHOT Ghost/ Paranormal Stories
Ang mga sumusunod ay na experience ko mismo. . .
~x
Na experience ko ito nang matulog kami sa school dahil may Science Camp noong first year high school ako.
Lahat kami noon excited mag join ng Science Camp dahil first time namin mag attend. Napawi lang ang excitement nang malaman namin na ang room pala na kung saan kami matutulog ay room 12B (which is formerly room 13).
According kasi sa mga dating students ng school, noong room 13 pa ang number ng room ay may namamatay talaga every school year (either teacher or student) na may koneksyon sa room na iyon (kung ino occupy mo man iyon at doon kayo nag ka-class and such). I really dunno the history kung bakit may ganun na nangyayari pero ayon sa sabi sabi ay isang espirito daw ng babae ang nasa likod ng mga kamatayan na nagaganap o baka may iba pa.
Pero mula noong pinapalitan na ang pangalan ng room na ginawang 12B ay parang naputol na raw ang chain ng kamatayan. Wala na dawng may namamatay simula noon pero may mga nagpaparandam lang. Siguro ang number 13 ay sadyang malas lang talaga o nang a-attract ng malas o kung ano pa diyan.
Mga 7 pm pa lang yun ng gabi nang nakarating ako ng school. Kinuha ko pa kasi ang gamit ko sa bahay at medyo may kalayuan ito kaya ginabi na ako ng dating.
Nadatnan ko ang mga room mates ko (puro babae kami sa room) na naka settle na sa kani kanilang pwesto at ako na lang ang walang pwesto kaya wala akong choice kundi ang kunin ang natitirang space na nasa dulo banda malapit sa bintana.
Tumatambay pa kami noon sa loob ng room kasi hindi pa naman nag uumpisa ang program sa quadrangle. Nagkukulitan kami ng mga kaklase ko nang may narinig akong parang may sumitsit malapit sa bintana. Ewan ko kung ako lang ang nakarinig nun i talagang guni guni ko lang iyon. Nakipagkulutan ulit ako sa kanila pero ilang minuto lang ang lumipas ay narinig ko ulit ang sitsit. Kinilabutan na ako noon at napag alaman ko na hindi lang naman pala ako ang nakarinig noon. Mismo ang tatlong iba ko pang kaklase ang nakarinig noon. Sabay kami natigilan ng mga nakarinig at sabay ding napatingin sa bukas na bintana which is kaharap noon ang Filipino building na creepy dahil napapalibutan ito ng puno ng mga mangga at wala pang ilaw.
Bakas na sa mukha namin ang takot pero ang iba naman ay walang pakealam at nagkukulitan parin. Nagkatinginan kaming apat and Without saying any word ay napatakbo na lang kami sa labas ng room kahit na naka medyas/ naka paa lang at nagsisigaw sa takot. Sumunod na rin ang iba dahil suguro nadala lang din sa eksena hanggang sa wala nang may natira sa loob ng room at nagsiksikan na kami sa hallway ng building at pinagkaguluhan kami at inintriga kung ano daw ang nangyari at ganun na lang kami umakto kanina.
Namumutla pa ako noon at ilang minuto pa bago kumalma kaya hindi pa ako makaudap ng matino pati na rin ang mga kasama kong nakarinig ng weird na sitsit na yun.
Nung kumalma na kami ay naikwento namin sa kanila ang nangyari at dun na rin sila kinilabutan at napaniwala.
Nag attend na rin kami ng program pagkatapos noon at kahit papano ay nawala na ang trauma namin.
Nung gabing natulog kami sa room na iyon ay nagdasal muna kami bago matulog. Sinara na dim namin ang bintana. Mabuti na lang walang may sumitsit i kaya'y nagparamdam sa amin na kung ano man kaya mahimbing kaming nakapag pahinga.
Aaminin ko, sobrang tahimik ang loob ng room nang natulog kami pero mabigat nga lang ang atmosphere. Sobrang bigat.
FIN
(C) ammyghed
011614