Aswang?

862 10 0
                                    

KNK//Entry # 5

April 8, 2014

Originally posted on my DA, Ammyghed Wattpad

-x

[SHARE] Kagabi, kakauwi lang namin galing sa lamay. Mga 9:30 pm. Pagod na pagod ako dahil nag jog pa kmi before nun kaya nag shower na ako at natulog.

Mga 30 mins pa lang yata akong tulog nang katukin ako ni mama dahil may ipapa-type siyang IPPD Form (teacher kasi siya) na supposed to be ay gagawin ko last night pa pero tinulugan ko lang. Wala akong choice kungdi ang bumangon ulit at gawin ang pinapagawa niya kasi nag promise nga ako na tatapusin ko kasi ipapasa niya kinabukasan.

Puyatan to, nasaisip ko dahil 3 pages ang i-encode ko. Buti na lang gising pa ang kapatid ko na babae (10 years old siya) kaya sabi ko, go. Tatapusin ko kasi may kasama naman ako. That time nasa veranda ako banda (nakasara naman yun ng parang grills lang siya para makapasok ang fresh air sa sala) malapit kasi doon nakalagay ang pc namin at yung sis ko naman ay nasa living room, nanonood ng Night at the Museum kaya sumusulyap sulyap ako minsan para makinood at para na rin mawala ang antok ko.

Mga 10:45 pm na yun at patapos na ako sa 2nd page ng ginagawa ko ng may marinig akong ingay sa labas ng veranda. Medyo familiar ako sa tunog na yun dahil palagi ko naman yun naririnig (you know what I mean if nakatira ka sa probinsya) pero ang always kong naririnig ay malakas ang tunog (kung malakas ay malayo yun). Akala ko guni guni ko lang o kaya naman ay nasa TV nanggaling ang sound kasi nga diba dun sa movie nabuhay ang mga hayop chuchu doon sa museum. Binalewala ko lang yun.

After 5 mins, tumunog ulit. And i was like asdfghjkl. Nag tayuan na ang mga balahibo ko sa kamay. Mahina ang tunog na yun na para bang ang lapit lapit na sa akin. Nanggaling ang tunog sa labas ng veranda and yung sound is parang huni ng manok. *goosebumps* Naalala ko, wala nga pala kaming manok sa bahay. -_- Nagkatinginan kami ng sis ko (mind telepathy) and without saying a word, nag unahan na kaming tumakbo papasok ng room namin.

We both know kung ano yun. . .

ASWANG!

Sabi ko nga, wow. Kakauwi ko lang ng Antique yun pa ang bumungad sakin? Tangina. What a welcome party.

Kanina nagising ako mga 11am na. Paglabas ko ng room, sinermonan kaagad ako kasi bakit hindi ko daw tinapos ang pinapagawa ni mama. Naiwan pa daw naming nakabukas ang TV, electric fan, 3 ilaw at avr ng PC buong gabi.

Duhhh. Ikaw kaya matakot ng ganun may time ka pa kayang patayin lahat ng yun?

Mga Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon