The 26th Day

1.3K 12 0
                                    

Ang kwentong kababalaghan na ito ay na experience ko mismo kasama ang 9 ko pang mga kaklase. Short version lang ito ng totoong nangyari kasi kung isa- isahin ko mula sa umpisa ay baka umabot tayo ng 10 pages (Dahil short story lang ito)

 



KNK//Entry # 2

 

 

Ang gabing nagpabago sa aking pananaw tungkol sa mga espirito at ang gabi na hindi namin makakalimutan sa buong buhay namin. . .

 



July 26 ng taon na ito nang pumunta kami ng Iloilo City. 3 araw kami na mamalagi roon maliban na lang sa iba dahil mag aatend pa kami ng seminar (37 Proven Tips to Pass UPCAT The Sure Way, July 28). Kasama ko halos lahat ng aking mga kakalase. For Research purpose talaga ang ang punta namin doon kasi isa ito sa requirements para maka graduate kami ng High School. Science oriented kasi ang curriculum namin.


Nagpunta kami ng WVSU para magpa Phytochemical analysis ng aming research specimen. Apat na magkakaibang grupo kami mula sa sec namin ang nag pa phytochem. Group 1 kami (ako, Rojen, Jenald, Fidelex and Erlindo), Group 2 (Ariane, JB, Essie and Alych), Group 3 (Majoy and Sheila) at Group 4 (JC and Nikki) at ang ibang pangalan na kasama ay extra lang naman sun dahil sumama lang sila para gumala.


Thankfully maagang natapos naman ang test para sa aming specimen kaya pwede na kaming mag gala maliban na lang sa group 2 na huli na lang nila nalaman na mali pala ang study nila kaya kinakailangan na umulit sila mula sa umpisa lalong lalo na sa pagpili ng bagong title at gagamitin na specimen. Nagkahiwa- hiwalay kami. Yung iba ay nagpunta ng UP Miag- ao (yung umulit ng study) at kami naman na malaya na ay nagpunta ng SM City. Gabi na nang nagkita- kita kami sa SM at mga 9 na kami ng gabi nakauwi.


May mga inaya ako na dun matulog sa bahay ng tita ko na doktor sa isang exclusive village sa Villa. Wala siya (nasa Cebu that time) pero nakapag paalam na naman ako 1 week before kami magpunta dun. Ang natira lang sa kanilang bahay ay ang pinsan kong babae (na gabi na rin umuuwi dahil alam mo, feeling teenager kahit 29 na) at ang kanilang katulong, si ate Jade.


Sampu kaming nagsiksikan sa isang maliit na kwarto kasama ang mga piling kaibigan lang. Buti na lang naka aircon ito. Okay lang naman sakin na marami kami kasi nga para sa amin ay mas marami, mas masaya. Ang totoong pinagpaalam ko talaga ay anim lang kami na matutulog doon (ako, Sheila, Meca, Alych, Essie, at Love) pero yun nga, nadagdagan dahil inaya ko na lang ang isa (Erika) dahil close naman kami nun at ang dalawang iba pa (JB at Brent) para may kasama kaming umuwi dahil nga gabi na nung time na yun at delikado dahil puro babae pa kami. Ang sabi din kasi ng boys eh uuwi din naman sila mamayang ala- 1 ng madaling araw dahil magpapatulong lang naman sila na gumawa ng research plan dahil nga umulit ang grupo nina JB at sinama na niya si Brent na para may kasama siyang umuwi sa inupahan nilang apartment sa La Paz.


Maagang umakyat sa taas ang pinsan ko at si ate Jade kaya solo namin ang buong first floor ng bahay.


Katatapos ko lang mag half bath noon at nasa sala naman sila kaya naki join na rin ako sa kanila (I think 6 kami ang nandoon, ako, JB, Sheila, Essie, Alych, at Majoy na nakaupo sa sofa) at kasalukuyang nag tu-tulong tulong na tapusin ang research plan ng Group 2 at ang iba naman ay naguunahan sa banyo para makapagplinis ng katawan at nasa loob ng kawarto nagpapahinga (tulog na si Erika) dahil ang usapan namin ay by rounds kami sa pagtutulungan para matapos ng maaga.

Mga Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon