The 26th Day (Part 2)

768 9 9
                                    

Continuation po ito ng Entry # 2

KNK//Entry # 3

Kagabi ay ang pinakamahabang oras ng buhay ko. Kada 5 minuto ay nagigising ako para lang tingnan kung anong oras na. Halos lahat sa din sa amin ay hindi nakatulog ng maayos hanggang sa pumatak ang alas 5 ng umaga.

Ako ang unang nagising sa amin dahil naiihi na talaga ako. Kagabi ko pa ito pinipigilan dahil nga takot kaming lahat na lumabas ng kwarto. Ginising ko si Essie, bestfriend ko. Sa kanya ako nagpasama na mag cr. Nag lakas loob na lang kaming dalawa na lumabs dahil nga ihing ihi na talaga kami. Sabay pa kami ng cr.

Pinaandar na lang namin ang lahat ng ilaw sa sala pati sa kusina. Bahala na kung magising si ate Jade ng bukas ang lahat ng ilaw at tiyak na magtataka yun. Bumalik kaagad kami ng room at nadatnan namin na gising na rin ang iba sa mga kasamahan namin. Halatang puyat kaming lahat dahil nandiyan ang eyabags na nagpapatunay dito.

Natawa na lang kami sa mga itsura namin. Hindi rin pala nakauwi kagabi sina Brent sa kanilang apartment dahil sinamahan nila kami. Mabuti na rin yun. Ano nalang kaya ang gagawin namin pag wala sila at isa pa eh madaling araw na din yun. Baka ano pa ang mangyari sa kanila kung umuwi sila ng silang dalawa lang. Hindi na din nila natapos ang kanilang research paper kagabi kaya inumpisahan ulit nila sa paggawa pagkagising nila. Ang iba samin ay natulog ulit pati ako dahil ako ang pinaka wal;ang tulog sa aming lahat. Nagising na lang ulit ako pasado alas- 6 ng umaga. Gising na ang lahat sa amin.

Nawala na rin ang tension tungkol sa nangyari kagabi. Napag- uusapan parin namin pero madalang na lang.Tapos na din nila ang research paper nila kaya hiniram ko muna ang laptop ko sa kanila para makapag picture2x kami (see picture on the side. Kami yan ng mga friends ko. Taken: Saturday, July 27, 2013, ‏‎6:17:06 AM)

Alas 9 na kami nakaalis ng bahay ng tita ko para pumunta ng city at mag breakfast at mamasyal na din and the rest is history. Nanood kami ng sine na magbabarka pero iilan nga lang sa amin ang nanood dahil ang iba (members ng group 3) ay bumalik ng WVSU para mag pa phytochem ulit ng pago nilang specimen.

Alas 6 na ng gabi ng nag kita-kita kami sa mall. Pagkatapos nun ay nagtaxi kami papunta ng La Paz, sa apartment na tinutuluyan ng ibang boys para kamustahin sila at ayahin sila na mag dinner sa labas para sabay- sabay na kami. Alas 10 na ng gabi ng napagdesisyunan namin na umuwi na ulit sa bahay ng tita ko dahil gumagabi na pero wala padin sina Meca, Brent, JB at Erlindo. Naghintay pa kami ng ilang minute pero hindi parin sila dumadating kaya iniwan na namin sila. Inaya ko na lang ang apat pang kaklase namin na puro lalaki (JC, Makmak, Jenald at Carl) para samahan kaming umuwi at doon na lang sila matulog. Sinama din namin ang isa pa naming kaklase na babae, si Jaya dahil naunang umuwi si Erika. Wala din kasi kaming kasamang lalaki na umuwi at gumagabi na rin kaya okay na yun. Hinatid muna namin ang isang classmate namin na si Ariane pero nawala pa kami dahil imbes na sa University of San Agustin kami pupunta ay dinala kami ni mamang driver sa High School na San Agustin.

Alas- onse na siguro ng nakarating kami ng bahay ng tita ko.

Nagpahinga na kami kaagad ng nakarating kami dahil sa sobrang pagod. Nadagdadagan kami ng isa (naging 11 na kami. Ako, Shiela, Essie, Alych, Love, Jaya, Majoy, Jenald, JC, Makmak, at Carl) Ewan ko nga kung pano kami nagkasya sa 2.5x4 m na kwarto na yun. Ng gabi din na iyon ay hindi pa rin namin pinag- usapan ang nangyari. Papalamigin muna namin. Buti nga eh walang kakaibang nangyari. Natulog kami kaagad dahil may ceminar pa kami na dadaluhan bukas.

Lunes na nang napag- usapan namin kung ano talaga ang totoong nangyari. At base rin sa kwento ng mga naka experience at research ko aynapag tugma- tugma namin ang lahat.

NA SOLVE NAMIN ANG MISTERYO NA BUMABALOT SA NANGYARI SA AMIN SA ILOILO.  

Questions? Just comment below / pm me.

-missAmmyJ

Mga Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon