Aswang Encounter

1.3K 9 0
                                    

Kinuwento lang to sakin ng pinsan ko nung nag sleep over sila sa bahay. . .

Si Nik ay pinsan ko sa mother's side. Nakatira sila sa isang barrio malapit lang din sa kung nasaan kami nakatira sa province.

Ang tatay niya ay magsasaka kaya minsan kung walang pasok ay pinapatulong siya sa bukid. Isang araw daw ay nagabihan siya sa bukid kaya nagpasya na lang siyang doon sa nipa hut nila matulog which is sa gitna ng palayan naka base. Maliit lang ito, sakto sa dalawang tao dahil ginagamit lang naman ito para silungan kung sobrang init na sa bukid ay doon sila nagpapahinga.

Gabi na daw yun, handa na sana siyang matulog nang may narinig siyang huni sa paanan ng tinutulugan niyang papag. Ayon sa pinsan ko ang huni daw na naririnig niya ay huni ng parang inahing manok na mangingitlog.

Alam niya kung ano yun--ASWANG.

Ayon sa kanya hindi naman daw siya natakot nung una dahil sanay naman siyang nakakarinig ng ganun pero iba na to eh, sabi niya sa sarili niya. Parang aatake daw iyon ng tao dahil gutom.

Nanahimik lamang siya at ang tanging naririnig lang niya ay ang malakas na pagtibok ng puso niya at ang huni ng aswang. Nakahiga parin siya sa iras na iyon, hindi makagalaw dahil sa takot. Pinagpapawisan din at hindi alam kung anong gagawin dahil mag isa lang siya sa mga oras na iyon. Ang tanging ginawa lang niya ay ang nagdasal ng taimtim na kung ano man ang mangyari sa kanya ay ang Diyos na raw ang bahala sa kanya.

Nadagdagan ang takot niya nang may narinig na siyang mga kaluskos sa bubong ng nipa na kubo. Parang gusto daw nito na makapasok sa loob. Dahil sa adrenaline rush ay agad daw niyang hinablot ang kanyang itak at tinutok dun sa bubong na kung sakaling makapasok nga ang aswang ay matutuhog yun dun.

Humuni ang kumakaluskos sa bubong. Sa pagkakalarawan niya ay parang 'EEEEK EEEK' daw ang tunog nito na para itong malaking ibon. Dahil dun ay nagsisigaw na raw siya ng tulong baka may makarinig at may tutulong sa kanya.

Nagkabutas daw ang bubong at nakita niya kung ano yun pero dahil madilim ay mata lang daw ang nakita niya. Nanliliksil ito na parang gusto siyang kainin ng buhay.

Ilang sandali lang ay may parang ilaw siyang naaaninag mula sa dinging ng kubo. Parang nanggagaling daw sa isang malaking flashlight kaya mas nilakasan niya ang sigaw na tulong. May mga nagsisigaw din mula sa malayo na 'Aswang! Aswang! Ayun!'. Nung narinig daw niya ang mga sigaw na iyon mula sa malayo ay parang lumipad daw yung aswang na gustong umatake sa kanya.

Iyak daw siya ng iyak na lumabas sa kubo dahil takot na takot na takot siya. Sinalubong naman siya ng tatlong mga magsasaka din at inuwi sa kanilang bahay. At dun na niya ikinuwento sa pamilya niya ang nangyari.

Ayon daw sa mga magsasaka na sumaklolo sa kanya, nasa kabilang sapa daw sila ng mga oras na yun at pauwi na rin sa barrio ng may dumaan daw na parang ibon o paniki na sobrang laki. Dahil napaka unusual daw ng nakita nila ay sinundan nila ito pero hindi sila makahabol dahil sobrang bilis kaya natagalan sila bago msaanap ito. At dun na daw nila narinig ang mga sigaw ni Nik.


-WAKAS-

Mga Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon