Elevator

581 7 0
                                    

This happend last November nung na confine si mama sa ospital dahil ooperahan siya.

Saturday noon at schedule na ooperahan siya. Pagtapos namin mag iyakan sa labas ng operating room (2nd floor) dahil inihatid namin si mama ay bumalik na rin kaagad kami sa room namin (3rd floor) para maghintay ng ilang oras ma matapos ang operasyon.

Dahil sa matagal na paghihintay ay nakaramdam kami ng pagkauhaw kaya nagkayayaan kaming tatlo ng kapatid kong babae at ni tita na bumaba sa second floor dahil nandoon ang vending machine ng mga drinks. Although nasa baba lang siya (2nd floor) at pwedeng gumamit ng hagdanan ay pinili naming sumakay ng elevator.

Narating namin ang vendo at bumili nga kami ng maiinom. Pabalik na kami noon mga 10 meters away kami sa elevator ay nakita kong nakabukas iyon.

I took a sip sa iced milo na binili ko at nakita ko sa side ng mata ko na parang may naka hospital gown na pumasok sa elevator at sumara iyon.

Sa isip ko nung time na iyon ay "Shit. Naunahan kami. Kailangan pa namin maghintay na umakyat o bumaba ang nakasakay." Dahil may kanya kanya kaming mga hawak na drinks sa dalawang kamay. Binilhan sin kasi namin ang ibang kasama sa kwarto.

At yun na nga sumara ang elevator dahil 'may sakay' Nasa harap na kami nun ng elevator para maghintay. Pero ang SHOCKING part is hindi gumalaw yung number 2 na nasa taas ng elevator na nag i indicate kung anong floor. Diba dapat mag a-arrow yung nasa side na pababa siya ay paakyat at yung number sa taas ay magiging 'G' for ground floor at '3' for ground floor. Pero hindi gumalaw.

Sa isip ko ay 'Baka hinintay tayo'

Pinindot ko yung button na '^' para bumukas ang elevator and to my surprise,
WALANG TAO SA LOOB

Kinabahan ako nun dahil sigurado talaga ako na nay pumasok sa loob ng elevator kanina.

Tiningnan ko ang dalawa kong kasama pero wala yata silang may napansin dahil busy sila sa paginom ng drinks na binili. Pumasok kami sa loob at sumakay. Tahimik lang ako habang nakasakay kami. Pinakiramdaman ang loob ng elevator cause I can feel something na kakaiba.

Nung bumukas ang elevator sa 3rd floor ay dali dali akong lumabas. Natapon pa nga ang milo sa palda ko.

Tinanong nila ako kung anong nangyayari sakin. Umiling lang ako. Sabi ko na lang ay bilisan nila dahip baka nauuhaw na ang mga kasama namin.

Wala akong may pinahsabihan na kung sino kung anong nangyari.

Basta nung nasa loob kami ng elevator may kasama kaming iba. Naramdaman ko na katabi ko lamang ito at nung humarap ako sa metal na pinto ng elevator bago ito bumukas ay nakita ko ang repleksyon niya. Isang matandang babae.

Pinikit ko na lang ang aking mata at dali daling lumabas ng elevator kaya natapunan ng milo ang palda ko.

Mula nung araw na yun tuwing pupunta ako sa ospital para dumalaw kay mama at hanggang sa araw na lumabas siya ay hinding hindi na ako gumamit ng elevator ng hospital dahil sa takot ko.

Mga Kwento ng KababalaghanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon