Chapter 25 - The accident

1.6K 38 9
                                    

Butter and Jelly – Chapter 25: Misery


Butter

Naghihintay ako dito sa Spring park kay Butter, yung lugar na pinuntahan namin dati? Yung hill gusto sana naming bumalik doon. Pero almost 1 hour na siyang late. Hindi ko maintindihan pero sobrang kinakabahan ako, nasan nanaman kaya siya? Bakit naman sobrang tagal.

After kasi kagabi sinabi sa akin ni Jelly na itutuloy niya ang date namin pero hinatid nalang niya ako rito at babalik rin siya pero hanggang ngayon wala pa rin.

Sinasabi ko na lang nga sa sarili ko na baka bumili lang siya ng mga bulaklak pero hindi eh kilala ko kasi si Jelly at kapag may usapan kami alam kong pupunta siya agad. Pinuntahan niya lang talaga si Louise kaya heto ako hindi ko maiwasang hindi magisip ng kung ano ano.

Pero alam kong okay lang siya.

"Oh Butter andito ka rin pala?" Tiningnan ko naman kung sino ito, pero si Jane lang pala.

"Ah oo Jane hinihintay ko kasi si Butter." Ngumiti naman ito sa akin at umupo sa bench sa tabi ko.

"Hinihintay ko rin si Heather at ang magiging sagot niya." Tumingin naman ako kay Jane, siya nga ba ang sinasabi sa akin ni Heather noon?

"Hintay sa sagot niya? nililigawan mo ba siya?" Tumawa ako ng konti pero nakita kong seryoso lang si Jane at nakatanaw sa mga batang naglalaro sa play ground.

"Yep I am, at ngayon hindi ko nay un ikinahihiya. Dati kasi palagi ko nalang sinasaktan si Heather and I always take her for granted. Tinatawagan kung gusto kong may makasama, kung bored ako, sinesex and whatsoever pa pero doon ko narealize na sa lahat lahat pala siya lang naman ang kailangan ko. I guess you'll never know the worth of a person pag hindi siya nawawala sayo." Ngumiti naman ako sa sinabi ni Jane sobra rin kasi akong nanlumo nang mawala sa akin si Jelly dati.

"Well I guess you're really right Jane atsaka suportado ko kayo ni Heather alam mo ba nagdrama pa yan sa akin, kasi nahihirapan siyang magmove on sayo." Nagtawanan naman kaming dalawa.

"Pero alam mo Butter sobrang saya ko ngayon kasi alam kong at the very end ako naman ang pipiliin niya kesa kay Louise." Teka pano nasali si Louise medyo naguluhan yata ako sa sinabi niya.

"Louise?" Sabi ko naman rito ng patanong.

"Yeah siya nga, parang nagkagusto sa kanya ni Heather but Heather belongs to me at sa akin lang siya. Charot pero alam mo masaya ako, masayang masaya."

"Ganyan kasi Jane pag pinili mo ang taong mahal mo." Ngumiti naman ito sa akin at natanaw ko naman sa malayo si Heather na tumatakbo dito ng sobrang bilis.

"Si Jelly ha, si Jelly ha." Hingal na hingal na sabi nito sa amin kaya hindi ko maintindihan tuloy.

"Calm down Heather, calm down what happened?" Sabi ko naman rito.

"Si Jelly at Jillian nadisgrasya nasa hospital sila ngayon, halina kayo bilis!" Wala na akong pinalampas na oras tumakbo na kami papunta sa kotse ni Heather. I seated at the back, nakaaircon man pero tagaktak ang pawis. Iniisip ko ang kalagayan ngayon ni Jelly ang mahal ko, ayaw kong may mangyaring masama sa kanya.

Hindi ko kakayanin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kinakabahan mo pero iniwasan ko ang umiyak, hindi pa naman siya mawawala diba?

And just when I thought everything seems to be okay, doon naman may mangyayaring masama. I mean why? Bakit sa tuwing sasaya na ako. Makakasama ko na ang mahal ko doon pa may nangyayaring masama? Damn kagabi kayakap ko pa siya ng sobrang higpit pero ngayon hindi ko alam kung buhay pa ba siya o hindi.

What happened in Beihone [ under revision ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon